MARAMING NANGYARI nitong 2015 may magaganda at may hindi masyado. Ang isang dapat nating ipasalamat ay ang magkakasama pa tayong lahat at ang ating pamilya ay buo pa.
Para doon naman sa mga nawalan ng mahal sa buhay isipin na lang natin na sila’y nasa mas magandang lugar. Basta ilagay natin si Kristo sa sentro ng buhay.
Ano ba ang tunay na diwa ng pasko ang pagmamahalan na itinuro niya sa ating lahat.
Unahin natin ang pagmamahal sa iba bago ang ating sarili ipinamalas sa ‘tin ito ni Kristo sa kanyang pagpapakumbaba na isang Diyos na nagkatawang tao ay pinili na ipinanganak sa isang sabsaban kasama ang ilang hayop at ang ating mahal na inang Maria at si Joseph.
Kami’y nagpapasalamat din sa patuloy na tumatangkilik sa aming pitak kung hindi sa inyo wala kami dito.
Nagpapasalamat din kami sa mga tao na patuloy na nagtitiwala sa ‘min at sa lahat ng sangay ng gobyerno at ilang ahensya na walang sawang sumusuporta sa amin at tumutulong.
Isa na dito ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangunguna ni Usec. Rafael Seguis at ganun din sa embahada natin sa iba’t-ibang bansa para asistehan ang ating mga kababayang nagkakaroon ng problema sa kanilang amo.
Marami-rami na ding mga OFW ang nakauwi ng Pilipinas sa tulong nila.
Nais din naming magpasalamat sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kay Administrator Hans Leo Cacdac na nalalapitan kapag ang problema ng ating mga kababayan ay ang ahensyang hindi tumutulong sa kanila kapag nasa ibang bansa na.
Sa Social Security System (SSS) kay Ms. Mae Francisco at Lilibeth Suralbo na umaasiste sa ating mga kababayang may problema sa kanilang pensyon.
Maraming salamat sa inyong lahat at sana sa darating na taon ay sama-sama pa din tayong magbigay ng tulong sa ating mga kababayang nangangailangan.
Binabati ko ang lahat ng isang Maligayang Pasko!
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
Hotline: 09198972854
Tel. No.: 7103618