^

PSN Opinyon

Bangsamoro Bill

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Bakit gustong-gusto ng administrasyon

ang Bangsamoro Bill pagtibayin ngayon?

marami ang nagtataka sa nasabing aks’yon

naiisip nilang dahil sa eleks’yon?

 

Ang nasabing bill kung ngayo’y papasa

tiyak magwawagi kandidato nila;

tanto ng gobyernong di-dapat umasa-

sa boto ng bayang ayaw sa kanila!

 

Ang Bangsamoro Bill kung ok sa Congress

voters ng Mindanao magiging kapanig;

gobyerno ni P-Noy na ngayo’y paalis

ay maraming perang doo’y ibubulid!

 

Ngayo’y sariwa pa sa isip nang lahat

ang maraming taong buhay ay nawasak

dahil sa maraming salaping kumalat

sa isang halalang noon ay naganap!

 

Hindi malilimot nitong sambayanan

nangyaring massacre sa Maguindanao;

dahil sa hangaring sila’y magtagumpay

58 botante’t mediamen ang pinagpapaslang!

 

Kaya posible ring ito ay maganap

sa halalang ngayon ay pangarap

sila’y magtagumpay na hindi naghirap

dahil may salaping ngayo’y ikakalat!

 

Ito ang magiging puhunan ng LP

upang ipanalo sina Mar at Leni;

kitang-kita ngayon ang perang marami

tiyak na gagamitin upang sila’y wagi!

 

At ang Bangsamoro ay magtatagumpay

makukuha nila boto ng Mindanao;

sa sistemang ito luluha ang bayan

pagka’t tagumpay rin ang “tuwid na daan”!

ACIRC

ANG

ANG BANGSAMORO BILL

BANGSAMORO

BANGSAMORO BILL

ITO

KAYA

LENI

MAGUINDANAO

MINDANAO

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with