Diktadurang Marcos mahalagang tandaan

ITINUTULAK ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nararapat tandaan na ang panahon ng administrasyon ni dating Apo Ferdie Marcos ang pinakamarahas at pinakamadilim na mga taon sa kasaysayan ng Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, panahong tinatangkang burahin ng mga pampulitikang mensahe ng anak niyang si Senator Bongbong Marcos na kumakandidato ngayong bise presidente sa halalan 2016.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maaaring sa ngayon ay makumbinsi ni Bongbong ang mga nakakabatang henerasyon ng ang kanyang ama ang isa sa mga dakilang presidente ng Philippines my Philippines at mas maganda ang kalagayan ng bansa noong panahon ng batas military na idineklara noong dekada 70 ni Apo Ferdie.

Noong mga panahong iyon, sino man ay maaaring arestuhin, ikulong at hindi na muling makikita dahil lang sa hinalang isa siyang komunista o simpatisador ng mga komunista.

Mahalaga ring alalahanin ang mga sakripisyo ng daan-libong madlang Pinoy na ibiningit sa panganib ang sariling buhay para manumbalik ang katarungan at kalayaan. Marami sa kanila ang namatay o nawala at hindi na nakita hanggang sa kasalukuyan.

Habambuhay tayong nagpapasalamat sa mga hindi kila­lang bayani na nagbuwis ng kanilang buhay noong panahon ng diktadurang Marcos para matamasa natin ang kalayaan sa kasalukuyan.

Kailangang tandaan at hangaan ang mga sakripisyo para sa natitikman nating kalayaan ngayon.

Kung hindi tayo magmamatyag, babalik sa kapangyarihan at mahahalal si Bongbong Marcos. Isa itong lubhang inhustis­ya para sa mga nagpakasakit at namatay sa proseso kung hahayaang mabalewala ang maraming kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Utang natin ito sa kalalakihan at kababaihan ng katarungan at kalayaan na lumaban noong batas military at tandaang mabuti ang kanilang mga sakripisyo at pag-aalay ng kanilang buhay.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahalagang tandaan, kahit ano pa ang sabihin ni Bongbong, ang mga taon ng erpat niya ang pinakamarahas at pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan sa Philippines my Philippines.

Terorista sa Kamara (1)

HINDI miembro ng kilabot na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) o ng Islamic of State of Iraq and the Levant (ISIL), ang grupo ng mga gagong terorista sa Kamara lalo’t ngayon Pasko busy sila sa kakaharbat ng tsibog at pitsa.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang modus operandi ng grupo ng mga gagong teroristang ang magtago ng regalo at ‘tago pagkain,’ para iuwi sa kanilang mga haybol at ipalamon sa kanilang mga pamilya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga tinaguriang terorista sa Kamara ay ang magka-tandem na ‘Batman at Robin’ siempre kasama si Cat Woman.

‘Nagpapalaki lamang ng yagba sina Batman and Robin dahil wala naman itong ginagawa sa media office kundi ang tiktikan ang mga kongresistang magbibigay ng pagkain para sa mga reporters at isipin kung paano nila itatago ang mga ito na hindi mahahalata ng mga mamahayag.

‘Unang nabuko ng isang reporter ang istilo ni Robin ng nakawin nito ang ulo at mga paa ng litson para iuwi kaya lang nasupalpal kaya ang tandem ni Batman ay matagal din hindi nagpakita sa media office.’ sabi ng kuwagong tirador.

Bakit?

Sagot - napahiya!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Batman, Robin at Cat Woman ay parang mga dagang inaamoy - amoy ang bawat kilos o kaganapan sa press office para maharang nila ang pakinabang dito.

‘Hindi ba may diyosa ang tatlong itlog na tinutukoy mo sa itaas?’

Kamote, korek ka dyan.

Sino siya?

Abangan.

Show comments