MAY gumagapang para sirain ang kredibilidad ng angat na kandidatong mahal ng madlang botante sa Philippines my Philippines na tatakbo sa halalan this coming 2016 election. Tanong - matamis kaya ang tagumpay kung hinog ito sa pilit? Sabi nga, kung totoo man ang naglalabasang balita na ginagapang ng ilan diyan ang magiging resulta ng eleksyon, patay tayo!
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterba ang nagbabalita diumano na bukod kay Senator Grace Poe, target din ng mga gago na tumatrabaho sa eleksyon ang strongman ng Davao na si Mayor Digong Duterte.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nauna nang pinaulanan ng bintang ng korupsyon si VP Jejomar Binay kaya halos nauupos ito sa popularidad sa madlang botante.
Ika nga, giniba agad! ‘Isa itong napakasamang senaryo kapag nagkataon na mananalo ang kandidato by default?’
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may tsimis na kumakalat pero hindi natin sinasabing totoo ang mga ito, pero hindi rin natin maiwasang mag-isip ng kung sakaling totoo nga ito, ang Mayo 9, 2016 elections na ang pinakamarumi, pinakawalang kredibilidad at walang kwentang eleksyon sa kasaysayan ng Philippines my Philippines, at maging ng Asya?
Naku ha!
Totoo kaya ito? Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sakali matalo sa Comelec en banc si Grace Poe, ay tatakbo ito sa Supreme Court para magpasaklolo.
Ika nga, Help!
Natutuwa ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na mag-i-inhibit na ang tatlong mahistrado sina Antonio Carpio, Arturo Brion at Teresita Leonardo-De Castro sakaling dinggin ng SC ang kaso ni Poe tungkol sa nasyunalidad at residency nito. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masalimuot ang proseso ng batas dito sa Philippines my Philippines kaya ang madlang public, ay litung-lito na.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga nagtatanong kung bakit daw nanalo ang kasong inihain ni Atty. Estrella Elamparo sa Second Division ng Comelec, samantalang nagsabi ang Senate Electoral Tribunal na puwedeng kumandidato sa Poe sa pagka-senador dahil (una) totoong Pinoy siya; at (2) matagal na siyang naninirahan sa Philippines my Philippines.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naging kaduda-duda, diumano ang tatlong opisyal ng Comelec Second Division porke nakakiling diumano ang mga ito sa partido Liberal kaya marami ang nagtataka kung bakit umano hindi nila binasa, sinuri, dinalirot, kinalkal, inanalisa at inunawa ang 400-pahinang ebidensyang iniharap ng kampo ni Poe?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Bakit nga ba?
Sinasabi pang hindi rin nila diumano kinilala ang umiiral na internasyunal na batas at mga kasunduan ukol sa mga foundlings na katulad ni Poe.
Sabi nga, kawawang Poe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masiadong maraming shuwariwap from Malacanang and Senate dahil minamadali nila ang resulta para desisyunan ang case problem ni Poe?
‘Dapat maging patas sa pagsusuri huwag daw tingnan ang koneksyon nino kay sino, dapat daw ay maging “objective” o patas tayo sa ating pagsusuri, sa ating analysis.’
Tumpak ka dyan!
Abangan.