LOKOHAN o may pinag-tatakpan? Ito ang himutok ng isang Lady reporter ng isang TV Station laban sa mga tauhan ni MPD Police Station-4 chief P/Supt. Mannam Muarip. Kasi nga nagtungo itong Lady Reporter sa presinto dakong 11:30 kamakalawa ng gabi upang alamin ang tunay na pangyayari hingil umano sa pambababoy ng isang Police Officer sa isang detinadong swindler na nakilalang si Roselyn Formaran 21 yrs old.
Ayon kay Jen ng aking makausap, “Sabi ng aking source, nakipakasundo si Formaran kay PO2 Blow-Job (tago ko muna pangalan ni Kulukoy) na iaabswelto siya sa kaso kapalit ng pagbibigay nito ng panandaliang aliw sa imbestigador. Ang siste, binlow-job ni Formaran si PO2 Blow-Job. nangyari daw ito sa locker room sa loob ng investigation section”. Ang masakit nito sa kabila ng pagpayag ni Formaran sa kagustuhan ng mahilig na pulis aba’y, nakasuhan pa rin ito at patuloy na humihimas ng malamig na rehas sa loob ng PS-4. Iyon nga lang, imbes na swindling ay ibinaba ang kaso sa trespassing, Hehehe!
Ngunit kung nakangiti man itong si PO2 Blow-Job matapos ang panandaliang aliw tiyak na mangangati ang katawan nito sa hagupit nina PNP chief Ricardo Marquez at NCRPO director Joel Pagdilao sa pag-inog ng imbestigasyon. Kasi nga palihim na nakakuha ng kakampi itong si Formaran sa isang jailer kung kaya nakapaghain ito ng reklamo at naiparating sa reporter ang kanyang sinapit. Kaya nang umiksena itong si Lady Reporter sa PS-4 mukhang nabastos pa ng mga pulis ni Supt. Muarip, kasi ng magpaalam ito sa Desk Officer on Duty na kung puwedeng kausapin si Formaran, pabuskang sumagot ang pulis na “magpaalam muna ako sa kinaukulan dahil tapos na ang visiting hours”.
Kaya nagpasya na lamang itong si Jen na kung puwedeng mabasa ang Police Blotter ngunit agad na sinunggaban ni SPO2 Mediana ang Blotter. “Tinanong niya ano ang aking pakay sa blotter at sinabi kong titingin lang ako ng istorya. hindi siya nakumbinsi at sinabi sa aking kailangan ko munang magpaalam. nag-init ang aking ulo dahil alam kong public document ito at hindi iyon dapat ipagdamot sa media”. Kaya nagpasya na lamang itong si Jen na tawagan si MPD director C/Supt. Rolando Nana ngunit bigo ito dahil tulog na tulog siguro si DD. Hehehe! Kayat ang huling baraha ni Jen ay itong si Chief of Staff S/Supt. Marcelino Pedrozo ang tawagan at hindi naman siya nabigo.
“Nang aking tawagan si Pedroso ay sinabi nitong alam niya ang nangyari at ongoing daw ngayon ang imbestigasyon sa nangyari. iniimbestigahan na rin daw ang mga taong involved. nang aking tanungin kung bakit hindi niri-relieve si PO2 Blow-Job gayong iniimbestigahan. ang sagot sa akin ni Pedrozo ay desisyon daw ito ni C/Supt. Rolando Nana.” Sa ganitong eksena mga suki, kayo na maghatol kung lukuhan o may pinagtatakpan nga ba sila? Ang ganang akin lang, masyadong obvious na may itinatago ang Presinto Kuwatro. dapat ay wag pagtakpan ang mga may sala at alisin sa pwesto ang pumo-protekta sa kanila. kahit bilanggo ay dapat tratuhin sila nang patas at huwag pagsamantalahan ang kanilang sitwasyon. Abangan!