^

PSN Opinyon

‘Botcha: Underground industry’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MATAAS ang mortality rate ngayon sa mga piggery farm.

Dala nang matinding init at pabagu-bagong lagay ng panahon marami ang nagkakasakit at namamatay. Dito, marami ang nagiging malikhaing trabahante.

Oportunidad kung ituring nila ang ganitong pagkaka­taon. Oportunidad para kumita at magkapera sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga patay na baboy.

Sa halip na sunugin at ilibing ang mga patay na hayop, nasisikmura nila itong pakinabangan. Itinatawag sa mga kontratistang bibili ng mga patay na baboy para ibagsak sa mga wet market.

Matagal nang namamayagpag ang underground industry o patagong industriyang ito. Patuloy na namamayagpag dahil may mga tumatangkilik sa merkado.

Sa mga naidokumento ng BITAG, may kaniya-kaniyang sign language o senyasan ang mga tindero at parukyano.

Alam ng mga suki nila kung papaano ang kalakaran maging ang oras at pwesto ng mga inilalakong double dead meat.

Binibili nila ito hindi para ipakain sa kanilang pamilya kundi para ibenta at pagkakitaan.

Hindi ko naman nilalahat, ito ‘yung mga madalas ibi­nibenta sa gilid-gilid ng mga lansangan na ihaw-ihaw o barbeque o ‘di naman kaya sa mga maliliit na karinderya sa mga terminal.

Ngayong kapaskuhan, asahan nang dadagsa pa ang mga ibinibentang botcha sa mga pamilihan partikular sa mga night market.

Pinapaalalahanan ang mamimili lalo na ang mga ina ng tahanan, maging wais. Huwag ipakipagsapalaran ang kapakanan ng inyong pamilya.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ACIRC

ALAM

ANG

BINIBILI

DALA

DITO

HUWAG

MGA

NBSP

OPORTUNIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with