ISA sa mga mito ng kasaysayan ay si Ferdinand Magellan ang unang taong nakaikot sa buong mundo. Si Magellan po ay isinilang noong 1480 at napatay nga ni Lapu-Lapu sa Mactan Island noong 1521.
Alam natin na matapos makialam sa gulo nina Rajah Humabon ng Cebu at Lapu-Lapu ng Mactan ay napatay ni Lapu-Lapu si Magellan. So paano pa siya makakaikot kung patay na siya? Marahil ay kaluluwa na lang niya ang umikot sa buong mundo! At kung hindi si Magellan ang unang taong nakaikot sa buong mundo, sino?
Ang ebidensya ng kasaysayan ay nagtuturo sa walang-pangalang alipin at interpreter ni Magellan na sa kalauna’y bininyagan sa pangalang Enrique de Maacca. Siya ay orihinal na galing sa Sumatra at siya na nga ang unang nakaikot sa buong mundo nang makarating ang mga Portuges sa Pilipinas.
Isinulat ni Magellan sa kanyang huling habilin na si Enrique ay galing sa Malacca at di-umano’y marunong magsalita ng wikang Malay.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Antonio Pigafetta, ang opisyal na chronicler ng expedisyon na si Enrique ay tubong Sumatra. Ang sabi naman ng isa pang witness, si Gines de Mafra, ay kinausap talaga ni Enrique sa Malay ang mga Pilipinong nakatira sa isla. Ang patunay na ito ang nagpapalakas sa teoriya na ang unang taong nakaikot sa mundo ay isang Pilipino. Sa totoo lang!
Pagkatapos mamatay ni Magellan, naiwan si Enrique sa Pilipinas dahil hindi niya makasundo ang mga bagong lider ng expedisyon. Hindi na nalaman kung bumalik siya sa Sumatra, na halos dalawang buwan lamang kalayo sa Mactan.
Pero kung nakabalik nga siya sa Sumatra ng mas maaga pa kaysa sa 15 buwan na biyahe nina Pigafetta pabalik sa Espanya, siya na nga ang unang taong nakaikot sa buong mundo. Walang kaduda-duda. Ikaw na, Enrique!
Komento: danton.lodestar@gmail.com