^

PSN Opinyon

Ipokrito si Sir

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

KINONDENA ni President Noynoy Aquino ang makademonyong pagmasaker ng otro demonyong teroristang ISIS sa mahigit 130 inosenteng tao sa Paris, France.

Sa biglang tingin kapuri-puri si Noynoy sa ginawa niyang pagkondena sa mga alagad ng kasamaan dahil ang ipinadama niyang galit ay siya ring nadarama ng mga world leader na katulad ni US Pres. Barack Obama.

Ngunit ang kanyang pagkondena sa kasamaang ginawa ng ISIS ay maliwanag na pakitang tao lamang. Maliwanag na ito ay pamumulitika upang hindi siya mapag-iwanan bilang pangulo ng isang bansa na nakiisa sa pagkondena sa mala-satanas na kasamaang ginawa ng mga halimaw na kasapi sa Islamic States of Iraq and Syria.

Bakit ko sinabing pakitang tao at palatandaan ng kaplastikan?

Alam ng buong mundo ang ginawang pagmasaker ng mga MILF at BIFF sa 44 na bayaning pulis. Ngunit hanggang ngayon, walang ginagawang aksyon si Noynoy para kondenahin at magsagawa ng puspusang operasyon na kapag hindi isinuko sa gobyerno ang mga kriminal ay mapipilitan silang hanapin  at hulihin.

Alin sa dalawa. Bahag ang kanyang buntot at siya ay natatakot o talagang ayaw niyang galitin ang kanyang “best friends forever” na MILF.

Tunay na hindi katanggap-tanggap hindi lamang sa pamilya ng gallant 44 kundi sa lahat ng Pilipino na uma­asa na rito sa ating bansa ay dapat mamayani ang kataru­ngan sa lahat ng pagkakataon. Matatapos na ang termino ni Noynoy ngunit  wala pa ring aksyon ang gobyerno para mabigyan ng katarungan ang mga minasaker na pulis. Hanggang kailan mamamayani ang dalawang uri ng hustisya rito sa Pilipinas?

Kinakasuhan, ikinukulong at pinatatalsik sa posisyon ang kanyang mga kaaway at sinusuyo, pinababayaan at malaya ang ibang elemento.

Tanong. Normal pa ba ang pag-iisip ng taong ito?

ACIRC

ALAM

ANG

BAHAG

BAKIT

BARACK OBAMA

ISLAMIC STATES OF IRAQ AND SYRIA

MGA

NGUNIT

NOYNOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with