^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Suportahan ang Pinoy inventors

Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi kay US President Barack Obama, hindi malalaman nang nakararaming Pilipino na mayroon palang lampara na puwedeng pailawin ng tubig na galing sa dagat o tubig na nilagyan ng asin. Ang lampara ay tinawag na Sustainable Alternative Lighting (SALT) inimbento ng isang Pinay engineer at entrepreneur. Nagtungo si Obama sa bansa noong nakaraang linggo para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit su­balit mas nakakuha ng atensiyon ang pag-imbita niya sa Pinay inventor na si Aisa Mijeno. Inanya­yahan ni Obama si Mijeno at ang Chinese billionaire na si Jack Ma, chairman ng e-commerce giant Alibaba sa isang panel discussion na may kaugnayan sa climate change. Naganap ang kanilang pag-uusap bago pa ang pagdaraos ng APEC summit.

Humanga si Obama sa imbensiyon ni Mijeno at tinanong ito kung ano ang kailangan ng katulad niyang inventor at entrepreneur, sagot niya, ang suporta at tulong mula sa public at pribadong sector. Kaugnay sa kanyang inimbentong lampara, kailangan daw nila ng pondo para sa mass production. Iyon daw ang kanilang kailangan para ganap na maipamahagi ang lampara. Sabi pa ni Obama kay Mijeno: “You have an idea that could both do well and do good.”

Ayon kay Mijeno, naimbento niya ang lampara nang siya ay magtungo sa Kalinga province at nakasalamuha ang Butbut tribes. Ang mga ito ang nagbigay sa kanya ng ideya. Nalaman niya sa mga katutubo na dalawang beses sa isang linggo buma­baba ng bundok ang mga ito para bumili ng gaas o kerosene para sa kanilang gasera. Anim na oras naglalakad ang mga katutubo para bumili ng gaas sa kapatagan.

Ipinaliwanag ni Mijeno na umiilaw ang SALT lamp dahil sa kuryenteng nagmula sa tubig-dagat gamit ang LED bulb at USB port. Nagkakahalaga umano ng $20 ang SALT lamp.

Tulong ang kailangan ng mga katulad ni Mijeno­ para mapaunlad ang kanilang naimbento na ma­laking kontribusyon sa sangkatauhan. Ang gob­yerno ang dapat manguna sa pagbibigay ng suporta sa mga inventor na Pilipino. Hindi sila dapat pinababayaan na mas nauna pang pumuri ang lider ng ibang bansa.

vuukle comment

ACIRC

AISA MIJENO

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

JACK MA

MIJENO

OBAMA

PARA

PILIPINO

PINAY

PRESIDENT BARACK OBAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with