EMPOWERING women through service and advocacy.”
Ito ang prinsipyong sinusunod ng Zonta Club Las Pinas sa loob ng 20 taon. Patuloy silang naglilingkod sa buong Las Piñas City at ang pangunahing tinutulungan ay mga mahihirap na kababaihan.
Sa ilalim ng pamamahala ni Elsa Benito-Yoshimoto at sa patnubay ni Charter president Anita Villafuerte, linggu-linggo ay nagsasagawa sila ng seminar sa mga estudyante sa mga tema na elimination of violence against women and children at no to teenage marriage at teenage pregnancy. Ito ay ginaganap sa iba’t ibang public high school.
Nagsasagawa rin sila ng seminar sa iba’t ibang uri ng pagkakakitaan sa Dagdag Kabuhayan para sa Kababaihan tulad ng candle making, soap making, dishwashing liquid making, hair cutting at iba pa. Regular ding nagsasagawa ng medical missions at feeding programs sa mga bata sa destitute areas. Tuloy pa rin ang Zonta Club scholarship program para sa high school level.
Kapuri-puri ang pagtulong at paglilingkod ng Zonta Club Las Piñas sa mga kapuspalad na kababaihan.
Ngayong Nobyembre, ipinagdiriwang ng Zonta Club Las Piñas na kasapi sa Zonta Club International na ang punong himpilan ay nasa New York, USA ang kanilang 20th anniversary. Para magkaroon ng pondo at matustusan ang kanilang mga proyekto magkakaroon sila ng fund raising campaign via “Zonta Club 20th Anniversary Dinner Dance and Raffle Draw.”
Ito ay gaganapin sa Disyembre 1, 6:00 p.m. sa Del Rosario Hall sa clubhouse ng Philamlife Village, Pamplona 2, Las Piñas City. Sa halagang P500 na tiket lahat nang dadalo ay may dinner, giveaway at maaring manalo nang malalaking premyo sa raffle draw. Maari rin silang magsayaw at mag-relax. Nag-enjoy na nakapagkawanggawa pa.
Sa mga taga-Las Piñas na gustong bumili ng tiket, maari ninyong tawagan si Atty. Elsa sa 0906-931-8125 o kay Mary Ann Soriano 0915-940-9121.
Congrats sa officers and members ng Zonta Club Las Piñas sa inyong 20th anniversary. More power.