^

PSN Opinyon

Lumalakas na panawagan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PATULOY ang pagbigay suporta sa France mula sa maraming bansa, at patuloy pa rin ang pagkondena sa isinagawang terorismo sa Paris, lalo na sa social media. Nangako ang France na pagbabayaran ang mga nasa likod ng karahasan. Marami na rin ang nananawagan ng digmaan laban sa ISIS, ang grupong umangkin sa pag-atake sa iba’t ibang lugar sa Paris noong Sabado. At ang tila sinasabihan ay ang Ame­rika. Marami ang nagsasabi na mas marami pang magagawa ang Amerika laban sa ISIS, partikular sa paggamit ng kanilang mga modernong sandata at tekonolohiya. Pero parang ayaw masangkot sa mas malaking operasyon ang Amerika.

Pero ganito nga ang ISIS ngayon. Mas marahas, mas maraming target at mas may koordinasyon. Mga katangian na makakamit lamang sa pagsasanay at pera mula sa mga taga-suporta. Ito rin ang dapat madiskubre ng mga otoridad. Saan galing ang pondo ng ISIS para magsigawa ng mga ganitong klaseng pag-atake?

Isang tanong na lumulutang ay kung paano nakapasok ang mga terorista sa concert hall nang hindi nakitang armado at balot ng bomba ang katawan, lalo na’t noong Enero lamang ay naging biktima na ang Paris sa terorismo? May nagpapasok ba? O mahina lang ang seguridad noong araw na iyon?

Nagsimula na ang malawakang imbestigasyon, na tumatawid na rin ng ibang bansa. Sa Belgium, may mga arestadong taong hinihinalang may kaugnayan sa mga terorista. May mga passport na nakita sa mga pinangyarihan ng karahasan, pero hindi pa matiyak kung mga tunay na passport ito o sadyang nililito ang mga otoridad.

Dapat magdeklara na ng digmaan laban sa ISIS. Kung kaya na nilang gawin ang ganitong pag-atake sa isang pangunahing siyudad, kaya na nilang gawin ito kahit saan sa mundo. Dapat durugin ang mga tero­rista, putulin ang pagpasok ng pera sa kanila at hanapin ang mga kasangkot. May ilang testigo na nagpa­hayag na narinig nilang nagsalita ng Pranses ang isang terorista, kaya ang posibilidad na taga-Paris pa ang isa sa mga terorista ay hindi na malayong isipin.

vuukle comment

ACIRC

AMERIKA

ANG

DAPAT

ENERO

ISANG

ITO

MARAMI

MGA

PERO

SA BELGIUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with