^

PSN Opinyon

“Ituro mo, kasalan na!”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

ISA-ISANG TINITIGAN, kinilatis at pinagpilian. Kung sino ang maswerteng matipuhan sa mga babaeng nakahilera siguradong kasal ang susunod na pupuntahan.

Sa ganitong paraan nakilala ni Lyn Tsai ang napangasawang Taiwanese na si Tsai Jung Yuan.

Nasama siya sa grupo ng mga babae nung may lumapit sa kanyang Pinay na naghahanap ng mga babaeng gustong makapangasawa ng ibang lahi. Sumama si Lyn dito.

Sa isang lugar sila dinala at may mga Taiwanese na tumitingin na naghahanap ng mapapangasawa ng Pinay.

“Labing walong taong gulang lang ako nun trenta’y singko naman ang lalaki. Nung pinili niya ako alam ko ng magpapa­kasal kami sa lalong madaling panahon,” pahayag ni Lyn.

Ikakasal na sila pero tutol daw ang step mother ni Yuan sa kanya. Ibang babae na lang daw ang hanapin niya at pakasalan wag lang si Lyn.

“Ipinaglaban ako ng mister ko at ako talaga ang natipuhan niya. Wala nang nagawa ang biyenan ko. Ikinasal kami sa huwes sa Ongpin,” ayon kay Lyn.

Naunang pumunta ng Taiwan si Yuan habang inaasikaso pa ni Lyn ang kanyang mga papeles sa pag-alis.

Makalipas ang tatlong buwan pumunta na ng Taiwan si Lyn. Alien Resident Certificate (ARC) ang hawak niya at kada dalawang taon kailangan niya itong i-renew para manatili sa Taiwan.

Maayos naman sana ang pagsasama ng dalawa kung hindi lang tutol sa kanya ang step mother ng mister.

Lagi raw itong kontra sa kanya at ramdam niya na hindi ito pabor sa pagsasama ng mister. Ramdam niya sa pakikitungo nito.

Dumating pa sa puntong sinabunutan at sinampal siya nito. Pinagtulungan daw siya ng kanyang hipag at biyenan.

“Isang beses lang naman nangyari yun dahil pumalag na ang mister ko. Sila na ng hipag ko ang nag-away kaya hindi na yun naulit pa,” salaysay ni Lyn.

‘Factory Worker’ si Yuan sa Taiwan at nagkaroon sila ng dalawang anak. Nanatiling hindi sila magkasundo ng biyenan. Lahat ng pakisama rito ay ginawa niya na para lang tanggapin siya nito bilang asawa ni Yuan pero parang hindi naman umubra.

Nadagdagan ang hirap ni Lyn nung taong 2005. Pagkagising niya patay na sa kanyang tabi ang mister.

“Hindi ko alam ang gagawin ko, tinawag ko ang tiyahin ni Yuan para ipaalam ang nangyari,” wika ni Lyn.

Sa halip na magkakasama silang mag-ayos sa katawan ng asawa pinahuli siya ng kanyang biyenan at pinagbintangang pinatay niya ito.

Hindi makapaniwala si Lyn na umabot sa ganung punto kung mag-isip laban sa kanya ang biyenan.

Hinamon niya ito na ipa-autopsy ang katawan ng asawa para malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

Pumutok ang ugat sa puso, ito ang nakalagay na dahilan ng pagkamatay ni Yuan na nakalagay sa resulta.

Hindi siya nakasuhan ng biyenan dahil malinaw na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng mister.

Kahit patay na ang mister magkasama pa rin sila sa bahay ng biyenan at ng dalawa niyang anak.

Nung mapapaso na ang kanyang ARC sinubukan niyang mag-renew at nagawa niya pa ito ng dalawang beses mula nang mamatay ang asawa.

Pagdating ng 2011 tinanggal na ang pangalan niya sa household ng kanyang mga anak. Hindi na niya na-renew ang kanyang ARC

“Pina-deport ako ng biyenan ko nung April 29, 2011. Wala man lang sinabi kung ano na mangyayari sa ‘min ng anak ko. Kung paano ko sila makakasama,” wika ni Lyn.

Pagkabalik niya dito sa Pinas bihira niya ng makausap ang dalawang anak.

Tumatawag siya sa biyenan pero malimit sabihin sa kanya  na wala ang mga bata dahil pumasok.

Ang tiyahin ng mister na lang ang tinatawagan niya na tumutulong sa kanya para makapuslit ng pakikipag-usap sa mga bata.

Halos dalawang beses niya lang nakausap ang mga anak. Ayaw daw ipakausap sa kanya ng biyenan ang mga ito.

Labing limang taong gulang ang panganay niya at trese naman ang bunso. Ang gusto sana ni Lyn ay makasama ang mga anak.

“Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil pinadeport na ako. Wala akong maisip na paraan  para makuha ko sila,” sabi ni Lyn.

Gustuhin man niyang kausapin ang kanyang biyenan di niya naman mapakiusapan dahil sa bagsik nito at mukha raw gusto na siyang ilayo sa mga anak.

Nais humingi ng tulong at payo ni Lyn kung maaari niya bang makuha ang kostodiya ng mga bata.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa ibang bansa kapag ang kapamilya ay namatay kailangan mo itong ideklara para makuha mo ang mga benepisyong nararapat para sa ‘yo. Ito ay paraan din para matanggal ang kanilang pangalan sa angkan na kinabilangan.

Hindi matanggap  ng biyenan itong si Lyn dahil sa ganung paraan sila nagkakilala ng mister. Parang kinuha lang siya dahil siya ang natipuhan at wala iyong tradisyonal na kilalanin ang isa’t-isa.

Walang isyu kung sa ganito sila nagtagpo dahil hindi mo pwedeng alisin sa isang ina ang kanyang karapatan para sa kanyang mga anak. Walang sinuman ang may karapatan na ipagkait kay Lyn na makasama o makausap man lang ang mga bata.

Para malaman naman ang panig ng biyenan ni Lyn, lumapit kami sa Department of Foreign Affairs (DFA) kay Usec. Rafael Seguis.

Nakiusap kami na mamagitan sila for ‘humanitarian reasons’ para makausap ito at malaman kung ano ang maaaring maayos at magkasundo ang magkabilang panig. Kundi man maging sibil sila sa isa’t-isa para na lang sa kapakanan ng mga bata.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong mag-text sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

LEFT

LYN

MGA

NIYA

PARA

QUOT

STRONG

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with