^

PSN Opinyon

Huli na ang aksyon ni Abaya

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL ng ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kapalpakan ng mga ahensiya ng gobierno sa ilalim ng ‘tuwad na daan’ este mali DOTC pala sa mga maayos na services na dapat matanggap ng madlang people na tumatangkilik sa iba’t-ibang ahensiya sa ilalim nito.

Bakit?

Sagot - hindi libre at may bayad ang bawat galaw ng madlang public tungkol sa serbisyong dapat nilang maranasan at makuha tulad sa MRT, LRT, plaka at drivers license sa LTO echetera.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pakuya-kuyakoy lamang si DOTC Secretary Jun Abaya sa kanyang tungkulin dahil alam naman kasi nito na kahit palpak ang kanilang mga ahensiya ay hindi siya masisibak o pagbibitiwin sa kanyang puesto.

Bakit naman?

Sagot - kasado este mali kaalyado pala!

Ika nga, KKK si Abaya nina P. Noy at Mar Roxas bukod pa na mataas ang puesto nito sa partido Liberal kaya kung umaaksyon laging late? Hehehe!

Ika nga, imbes na ‘tuwid, baluktot na daan’ ang nangyayari tuloy ang madlang people ay naggagalaiti sa galit.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mismong si Senator Grace Poe ang nagsabing dapat sibakin si Abaya.

Ika nga, palitan na ito!

Hindi lang mga Senador ang humihinging sibakin sina Abaya et al sa puesto pati mga kongresista at madlang people sa Philippines my Philippines ay sumisigaw na sipain na sila sa kanilang tungkulin.

Ika nga, tama na, tsupi na!

‘Ang problema mistulang bingi, pipi at bulag si P. Noy sa isinisigaw ng madlang bossing niya dahil sanggang dikit nito sina Abaya et al lalo na si MIAA general manager Bodet Honrado, ang nakaupong hari sa trono sa binansagan NAIA ‘worst airport’ dahil sa ‘tanim - bala’ scandal na nagbigay ng malaking kahihiyan sa buong mundo at naging katawa-tawa pa tayo sa mata ng mga dayuhan at kinatatakutan pa ang paliparan.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi nga, nanginginig ang mga pasahero sa departute ng NAIA?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mula’t sapul ng umupo si pabaya este mali Abaya pala sa DOTC sangkaterbang pahirap ang nangyari sa madlang pinoy tulad ng MRT/LRT na hindi na balita ang everyday and holidays na kapalpakan o aberya dito, ang LTO ang pera ng madlang vehicle owners at drivers ay natangay pero nasaan ang plaka, stickers at driver’s licence ID card?

Sabi nga, up to now wala pang linaw ito!

‘Kaya mukhang mas mainam pa daw si GMA ang pangulo sa Philippines my Philippines ang mga basic commodities, pagtaas ng bayad sa mga tren, MRT at LRT, maging mga palaka este plaka pala, lisensiya at stickers ay ibinibigay sa tamang oras dahil kung papalpak sila tiyak sabon at sermon ang aabutin nila dito.

Ika nga, hihiyain sila at sisibakin!

“Ngayon lang nangyari ang mga kapalpakan sa mga ahensiya sa ilalim ng DOTC mula ng ito ay pabayaan este pamahalaan pala ni Abaya.’ sabi ng kuwagong nagpasok ng may 379 baril sa NAIA noon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang hindi katanggap-tanggap para sa madlang pinoy ang kapabayaan tungkol sa usapin ng ‘tanim-bala’ sa binansagan NAIA ‘worst airport’ up to now ay puro kapalpakan pa rin ang nangyayari sa airport at ayaw pa rin nilang aminin ang lakas ng puersa ng mga sindikato sa nasabing paliparan.

Sabi nila, walang sindikato sa NAIA?

Ika nga, yon ang akala nila! Dahil sa sindikato nasira, pinagtatawanan at kinatatakutan ang binasangan NAIA ‘worst airport’ sa buong mundo maging madlang pinoy ay natatakot dito.

‘Imbes ang isyu sa West Philippines sea ang katakutan baka sumiklab dito ang giyera patani ang binansagan NAIA ‘worst airport’ ang kinatatakutan ng halos lahat ng mga departing passengers sa lahat ng NAIA terminals.’ ayon sa kuwagong na by-pass.

Ang NAIA airports ay nasa ilalim ng ahensiya nang pabayang este mali ni Abaya pala ang mga nakaupong mga sinasabing magagaling na opisyal sa NAIA na ipinuesto dito ay karamihan mga tarantado este mali retirado palang mga Heneral ng militar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga ito ay nagpa-plastikan lamang pero may iringan diumano ito sa isa’t-isa kaya nga nagtuturuan ang mga ito kung sino ang may kasalanan.

Abangan.

Mas mainam magbitiw na lang kayo kaysa magpatawa kayo

MEDYO pigil ang nangyaring pagdinig sa Senado sa pakiramdam ng ilang madlang public parang nagkakampihan sila?

Bakit kaya?

Sagot - may mga magkaalyado sa partido kaya para sa ibang nakikinig at nananood hindi gaanong maganda ang tanungan at sagutan blues sa pakiwari nila? Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang nagmistulang ‘circus’ lamang ang takbo ng pagdinig sa Senado dahil ang dalawang opisyal ng militar dito ay nagngungusuan sa ‘tanim - bala ‘ extortion problem.

Ika nga, parang nagpapatawa dahil pareho silang walang alam diumano sa nangyayari?Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aantayin ng madlang people ang imbestigasyon sa Kamara dahil sa palagay nila magandang kalkalan dito, hihimayan blues ito dahil may nabiktima din kasi kongresista ng ‘tanim- bala’ scandal kaya malamang ang isyu ng ‘command responsibilities’ ay nakasalaway este mali nakasalalay pala sa mga questions and answers portion.

Sabi nga, sibakin na lang sila para matapos na tutal ang turuan at isyu tutal matagal na silang naka-puesto sa binansagan NAIA ‘worst airport,’ habang tumatagal sila sa paliparan lalong lumaki ang usapin kapabayaan, kapalpakan at kayabangan este mali kahihiyan pala ng mga pa bright,bright sa airport?

Naku ha! Totoo kaya ito?

‘Akala kasi ng mga pa bright,bright sa airport madaling makalimutan ang ‘tanim - bala’ scandal ang problema kasi sa usaping ito pinalala muna bago ngayon nagmamadaling silang takpan ang isyu ng pumutok ito ng parang Mt. Pinatubo.

Ika nga, bumuhos na ang lahar este mali balita pala at umabot na ito around the world.

Dahil sa isyung katiwalian at extortion scandal pati media ay ginawang sangkalan at pinagbibintangan nagpalaki ng isyu.’ sabi ng kuwagong urot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga style ‘gestapo’ kasi ang ibang bright sa airport katulad noong isang araw binuweltahan ang ilang taga - media matapos nilang gipitin ang ilan sa mga ito, kokober lang sa ‘tanim - bala’ scandal sa NAIA T3 hinihigpitan pa nila at  ayaw papasukin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya tuloy nagpalagan ang ilan sa media sa ginagawa ng mga security personnel sa NAIA T3 at ng umalingawngaw sa radyo at telebisyo ang sumbong ng mga pobreng alindahaw kambiyo agad ang mga ‘nazi’s’ dito. Hehehe!

Abangan.

vuukle comment

ABAYA

ACIRC

ANG

AYON

IKA

ITO

MADLANG

MGA

NAIA

NGA

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with