SA tingin ko, tumitindi ang trapiko sa Metro Manila dahil sa over-population. Kung sana episyente ang housing program ng gobyerno sa mga lalawigan at ang mga komunidad na maitatayo ay may oportunidad sa trabaho, wala sana tayong problema.
Walang patid ang mga batikos sa pamahalaan sa mass media pati na sa social media pero imbes bumuti, lalung tumitindi ang problema. Wala kasi tayong makitang solusyon sa lumolobong populasyon. Kasi nga, ang mga tao ay nagsisiksikan dito sa Metro Manila dahil walang pribilehiyo ng kabuhayan sa mga probinsya.
Sa mismong datos ng gobyerno ay 5.5 milyong units ang housing backlog na nadaragdagan pa ng 250,000 kada taon. Mass at socialized housing ang kailangan. Makupad.
Sa isang pag-aaral noong 2014 sa Singapore, special mention ang Manila bilang isang siyudad na overly congested sa tao at mga sasakyan. Isa pang pagaaral ang nagsabi naman na dapat magtrabaho ang overseas Filipino workers (OFWs) ng 18 years para makapag-ipon ng kaunti, makapagtayo ng maliit na negosyo at magkabahay.
Self-sustaining township sa mga probinsya ang kailangan para maiwasan ang pagkabitin ng mga housing projects ng gobyerno. Halimbawa ang 1,600-hectare Lancaster New City sa Kawit, Imus at General Trias sa Cavite. Ang developer ay ang Property Company of Friends o Pro-Friends. Ito ay 30-50 minutes away lang para sa mga nagtatrabaho at nag-aaral sa Parañaque, Pasay, Makati at Manila via Cavite Expressway.
Hindi kailangan umubos ng dalawang oras sa pagpasok at paguwi. Ang mas malaking potential ng self-sustaining townships ay ang pagkakaroon ng trabaho sa mismong komunidad dahil sa mga business, commercial at industrial infrastructures. Marami nang negosyo ang lumilikas sa mga lalawigan gaya ng Cavite at Laguna.
Ang konsepto ngayon ay i-empower ang mga OFW at ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng maliliit na negosyo na puwedeng makapagpatayo sila ng bahay. Hindi naman kailangan ang labingwalong taong pagiipon ng pondo para makapagpatayo ng simpleng bahay dahil may sub-P1 million house and lot offering naman sa market.