Tulungan ninyo si P. Noy, magbitiw na kayo
SANGKATERBANG mga kongresista at senador ang humirit na sipain na sa puesto si Manila International Airport Authority Gen. Manager Bodet Honrado lalo’t sa social media matindi ang galit ng madlang people dahil sa hindi kayang mapigilan ang mga bayag este mali pamamayagpag pala nang mga sindikato ng “tanim bala” sa binansangan NAIA ‘worst airport’ na kanyang pinakamamahal este pinamamahalaan pala.
‘Ano na ang balita sa mga nagpuslit ng 2.5 kilos na ‘cocaine’ kinakalkal kaya?’ tanong ng kuwagong kotongero.
Kambiyo issue, hindi biro ang naging panawagan dahil karamihan sa mga kongresista at mga senador ay mag-iimbestiga na tungkol sa isyu ng ‘tanim - bala’ at iba pang katiwalian na nangyari sa NAIA kabilang sa pagbusisi ang mga security machines para malaman ang kapasidad nito.
Ang siste sangkatutak ang naghe - hello este mali nanawagan pala dahil gusto na nilang magbitiw si Honrado dahil naggagalaiti sa galit ang madlang people sa mga insidente ng tanim bala na ang biktima ay iyong mga pobreng departing passengers.
Sabi nga, secretly nilalaglagan ng mga kamote dito ng bala ang mga dala-dalahan ng mga departing passengers partikular ang mga OFW’s para nga naman mahuthutan sila ng salapi.
Sabi ni Senator Bongbong Marcos, kumakandidatong VP sa Philippines my Philippines, sa prinsipyo ng ‘command responsibility,’ malinaw na dapat managot si Honrado dahil sa tuloy-tuloy na insidente ng tanim bala ang nangyayari sa kabila ng mga report ng media at galit ng publiko sa ganitong mga pangyayari pero hindi niya pinapansin noon una.
Sabi nga, layas na dyan!
“Dapat na siyang sibakin kaagad. Malinaw na incompetent siya. Hindi nga siya dapat nailagay sa pwestong yan,” ayon kay Bongbong.
Ibinida ni Bongbong, kung siya lang ang nasa pwesto hindi niya pipiliin si Honrado na malagay bilang MIAA general manager.
“If it was up to me he would never have gotten that job. Bakit mo ilalagay dyan, wala naman syang karanasan dyan? Hindi naman niya alam ang trabaho,” mga banat ni Bongbong.
Ikinuento ni Bongbong, ang puno’t-dulo ng “tanim bala” ay ang bisyo ng Malacañang na mag-appoint ng madlang people hindi base sa kanilang kakayahan at karanasan kundi dahil lamang sa kanilang koneksyon sa mga nasa kapangyarihan.’
Ika nga, KKK?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya tuloy katawa-tawa at takot ang mga banyagang magpunta sa Philippines my Philippines sa balitang ito dahil sa ‘tanim - bala’ scandal.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sa Japan nangyari ang ganitong iskandalo baka nag-harakiri na sila pero dito sa Philippines my Philippines ayaw nilang magbitiw.
Ika nga, hangga’t nakahawak, hahawak. Hehehe!
‘Ang pinakamasama pang nangyari media ang pinagbintangan ng Malacanang na nagpalaki ng isyung ‘tanim - bala’ at kahapon sa NAIA T3 ang mga airport reporters na gustong pumasok dito ay pinahirapan ng mga security officers.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’ sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.
Abangan.
‘A Concert for a Cause’ - AGMA - MCI
MALAPIT na ang pagtanggal este mali pagtatanghal pala ng “A Concert for a Cause” dyan sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, sa Nov. 20, 2015, Friday, 8:00 PM, ito mapapanood.
Sabi nga, huwag palalagpasin!
Ibinida ni Atty. Biyong Garing , panggulo este mali Pangulo pala ng AGMA-MCI Alumni Association, Inc. at producer ng nasabing Concert nagpahayag ng mga suporta ang kanyang mga kaibigan dyan sa Bellevue Hotel, Maynilad, Pycor, Inc, JV Salvador and Partners Law Offices, Atty. Chris Garcia at ang Law Office nito, Atty. Chris Garcia, nagbigay din ng sponsorship ang Vista Landscapes Inc., Filinvest Alabang Inc, Sogo hotel, Louis International Manpower Services Inc., INC., Soc Land, Phinma, Starlite Ferries Inc., Jollivelle Holding Corporation, Jasper Jean Transport , H.M. Transport , RCCG Transport, Dimple Star Transport, at ang Excellence poulty and Livestocks Specialist Inc.
Sinabi ni Kuyang Biyong, inaasahan din niya ang Aboitiz Land, Inc. ay magpapahayag na rin ng pagsuporta sa linggong ito.
Kaya ngayon pa lamang ay taos-pusong nagpapasalamat na si Atty. Garing sa lahat ng sponsor. Gayon din, ang lahat ng alumni ng Agustin Gutierrez Memorial Academy (AGMA) na dating Mindoro Central Institute (MCI) ng Naujan, Orietal Mindoro ay kanyang inaanyayahan na manood ng nasabing Concert. Inaanyayahan nya rin ang lahaw ng taga Mindoro lalong-lalo na ang taga Naujan na panoorin ang concert na ito.
Ayon kay Atty. Garing ang kikitain ng concert na ito ay gagamitin upang makapagpatay este mali makapagpatayo pala ng covered court sa AGMA Compound, para magamit ng mag-aaral ng nasabing paaralan.
Sabi nga ni Atty. Garing, kapag tulong-tulong, susulong at kung sama-sama, makakaya!
‘Ano pa ang hinihintay ninyo may tiket na ba kayo?’
Abangan.
- Latest