^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming apektado ng APEC

Pilipino Star Ngayon

SA isang linggo na ang Asia-Pacific Economic  Cooperation (APEC) na dadaluhan nang ma­tataas na lider ng bansang miyembro na kinabi-bilangan ni US President Barack Obama, Russian President Vladimir Putin, Chinese President XI Jinping at marami pa. Apat na araw na walang pasok ang mga eskuwelahan at empleado ng gobyerno samantalang dalawang araw sa mga pribadong kompanya.

Gusto ng pamahalaan na maging maganda  sa paningin ng mga lider ng ibang bansa ang Pilipinas kaya naman lahat nang hindi magandang makikita ay sinisikap na maitago. Pinaganda ang mga kalsada sa paligid ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport, Roxas Blvd. at ang patungo sa Malacañang. Pininturahan ang mga pader at mga barriers. May mga tinakpan ding bahagi  ng ilang kalsada para hindi makita ng mga lider na darating.

Ang trapik na araw-araw ay problema sa Metro Manila ay mayroon nang solusyon para hindi maabala ang mga delegado sa APEC. Kapag dadaan ang mga delegado, patitigilin ang mga motorista hanggang sa makalampas ang convoy. Bawat dadaanang kalsada ng APEC delegates ay STOP and GO. Maraming mangangasiwa para hindi ma­aabala ang mga bisita. At siguro para hindi na rin mahalata ng world leaders na sobra ang trapik sa Metro Manila.

Maraming ipatutupad na pagbabago para ma­ipa­kita sa mga lider ng bansa na ang Pilipinas ay potensiyal para paglagakan ng investment. Kung makikita ang kaayusan sa Metro Manila, maaari silang mahikayat na muling dalawin ang bansa. Uunlad ang turismo.

Wala namang masama sa mga ginagawang ito ang hindi lang maunawaan ay ang pagkansela sa 211 flights sa NAIA. Ang pagkansela ay malaking kawalan sa mga paparating na balikbayan at turista. Malaki ang malulugi. Bakit hindi gamitin ang Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) sa Clark, Pampanga? Nagkamali yata ang mga nagplano at sa halip gamitin ang DMIA ay kinansela na lamang ang flights. Mula November 17, 19 at 20 ay no-fly zone ang NAIA.

 

ACIRC

ANG

CHINESE PRESIDENT

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

HINDI

MARAMING

METRO MANILA

MGA

MULA NOVEMBER

NINOY AQUINO INTERNATIO

PACIFIC ECONOMIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with