Pang-akit ng boto

Kung ang sipag ngayon naging sipag noon

itong ating bansa hindi hirap ngayon;

naragdag sa dusa magiging eleks’yon

mga pulitikong masama ang layon!

 

Sa mga lansanga’y inaalintana

ang hirap ng tao saanman mapunta-

ang congested traffic sa Metro Manila;

MMDA at pulis ay nagpapabaya!

 

At ngayo’y nagsikap ang DPWH

gawin ang trabaho na layong neglected

ngayon ay ginagawa dahil sa ang nais

wagi sa halalan ang LP candidates!

Ang style na ito’y lumang tugtugin na

at wala nang bilib sa “daang saliwa”

ang ating gobyerno dapat inuna-

ang mga binagyo at lubog sa baha!

 

Unang tatlong taon ay nasayang lamang

sa gawaing palpak ng pamahalaan;

Kaso ni Napoles na noo’y natanghal

Di pa nalulutas malaki ang utang!

 

Sa pangalawang taon ay biglang nauso

pork barrel ng Congress lumitaw ang ulo;

bilyon ang halaga na napunta rito

sinundan ng DAP at PDAF utos ng gobyerno!

 

Sa pangatlong taon may 44 na SAF

nagbuwis ng buhay sa utos ng ungas;

kapatid, magulang di pa natutulungan

at naghihintay pa tulong pamahalaan!

 

Puro kapalpakan ang ating nakamit

sa “tuwid na daan” ngayo’y inaawit ---

ng gustong manalong huwad na candidates

sa ating eleksyong tiyak na sasapit!

Show comments