Poe et al, ready to fire!
TEAM Galing at Puso. Iyan ang partido nina presidential candidate Grace Poe at running mate na si Chiz Escudero. Ang senatorial lineup nila ay mga dati at kasalukuyang mambabatas, human rights lawyer, champion ng Overseas Filipino Workers (OFW), at ilang sikat na aktor na kung tawagin ay WELCoMM PROGReS.
Number one ang“W” para sa Sherwin “Win” Gatchalian, ex-Mayor at Congressman ng Valenzuela City. Advocate siya ng dekalidad na edukasyon, disenteng trabaho at marangal na pamumuhay.
Ang “E” ay ang aktor na si Edu Manzano. Naging mahusay na hepe siya ng Optical Media Board na lumaban sa mga pirata sa pelikula at musika. Ang “L” ay ang human rights lawyer na si Lorna Kapunan. Si Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares ang “Co.” Siya ay miyembro ng “Makabayan bloc” sa Mababang Kapulungan na nagsusulong sa P125 na umento kada araw, mas mababang tax at mas mataas na benepisyo mula sa Social Security System.
Letter “M” is Juan Miguel “Migz” Zubiri na siyang may-akda ng mga batas gaya ng Renewable Energy Act, Biofuels Law, Mindanao Development Act, at New Cooperative Code nang siya ay mambabatas pa. Ang isa pang “M” ay si Isko Moreno, dating basurero at pedicab driver na naging aktor at ngayon ay bise-alkalde ng lunsod ng Maynila.
Ang “P” ay si Samuel Pagdilao na kinatawan ng ACT-CIS Party-list. Bilang dating pulis, kilala siyang mahusay na pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Isa rin siyang mahusay abogado. Letter “R” naman si Pasig City Rep. Roman Romulo na kasalukuyang chairman House Committee on Higher and Technical Education at umakda ng may 65 na bills sa Kongreso. Ang anak naman ng yumaong senador Blas Ople na si Susan Ople ang letrang “O.” Siya ay tagapagtanggol ng kapakanan ng mga OFW. Ang “G” ay para kay Richard Gordon, ex-Mayor ng Olongapo City at ama ng Subic na dating base militar ng mga Amerikano na ngayon ay isa sa pinakaprogresibong lugar sa bansa. Dati rin syang myembro ng Senado at Chairman Philippine National Red Cross. Si Ralph Recto naman ang “Re” “resident economist” ng Senado dahil sa kontribusyong batas sa pagpapalago ng ekonomiya. At ang huli ay si re-electionist Sen. Tito Sotto para sa letrang “S.” Si Sotto ang nagsulong ng batas laban sa droga o ang “Dangerous Drug Act.”
* * *
Tapos na naman ang undas at haping-hapi ang mga taga-Tondo sa proyektong libreng sakay ni Rep. Atong Asilo na naghatid sa kanila mula sa kanilang mga bahay tungo sa Manila North Cemetery. Taun-taong panata iyan ng ating kaibigan na Liberal Party Vice Mayoralty Candidate sa Maynila.
- Latest