Mga nakagisnan ko mula sa magulang (1)

WALA pa akong malay sa mundo, natutunan ko na ang salitang “magic.” ‘Yan ay nang mawala ko sa bahay ang hindi dapat pinaglalaruang wallet ni Inay. Pinahanap niya ito sa kuwarto kung saan ako naglaro, at galit na nagsabing, “Kung hindi mo ‘yan makita, humanda ka’t makikita mo.”

Hindi lang pala ako ang merong gan’ung kakaibang kinagisnan mula sa mga magulang. Nabatid ko ito nang mabasa sa Internet ang artikulong tumipon sa iba pang mga aral, na isinalin ko mula sa Ingles:

(1) Si Inay tinuruan ako How to Appreciate a Job Well Done. Sigaw niya minsan sa aming magkapatid: “Kung ka­yong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”

(2) Natuto ako ng Religion kay Itay: “Kapag ‘yang mantsa­ di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”

(3) Kay Inay ako natuto ng Logic: “Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

(4) At kay Inay pa rin ako natuto ng More Logic: “Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine.”

(5) Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng Irony: “Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

(6) Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang Contortion­: “Tignan mo nga ‘yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!”

(7) Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano’ng ibig sabihin ng Stamina: “Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos ‘yang lahat ng pagkain mo!”

(8) At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang Weather­: “Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto ninyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”

(Itutuloy sa Biyernes)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

Show comments