^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Graphic warnings ilagay sa yosi packs

Pilipino Star Ngayon

SA darating na Nobyembre 5 ay dapat nang makita sa pakete ng mga sigarilyo ang text warning­ at graphic images ng mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Nakasaad ito sa Republic Act 10643 (Graphic Health Warning Law) na ipinasa noong nakaraang taon. Kabilang sa mga lara­wan ng sakit na dapat makita sa kaha ng yosi ay kanser sa baga, lalamunan, bibig, pisngi, dila, emphysema, katarata at sakit sa puso. Sa mga bansa sa Asia, ang Pilipinas na lamang ang walang gra­phic images sa mga pakete ng yosi. Sabi ng DOH, 87,600 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo.

Kapag hindi pa nakita sa susunod na buwan­ ang mga babala at larawan ng mga sakit sa yosi, maaaring totoo na ang balitang nagla-lobby ang ciga­rette manufacturers sa Department of Trade and Industry (DTI) para maatrasado ang paglalagay­ ng mga ito. Maraming nangangamba, lalo na ang cancer survivors na hindi maipatupad ang batas. Bago naipasa ang RA 10643, inabot nang mara­ming taon dahil sa pagtutol ng mga kompanya­ ng sigarilyo.

Bukod sa paglalagay ng mga retrato ng sakit sa pakete, obligado rin ang cigarette companies na ilagay ang mga mensahe na nagpapaalala na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Sa kasalukuyan, maliit na mensahe lamang ang nakalagay sa bawat kaha ng sigarilyo na halos hindi mabasa. Layunin ng paglalagay ng mga retrato ng sakit sa mga kaha na mapigilan ang mga naninigarilyo at mga nagbabalak pa lamang. Inaasahang marami ang magdadalawang-isip na manigarilyo kapag nakita ang mga retrato ng nakamamatay na sakit.

Sa Southeast Asia, tanging ang Pilipinas na lamang ang walang graphic warning sa kaha ng sigarilyo. Sa ginawang pag-aaral, maraming tumigil sa paninigarilyo nang makita ang nakaririmarim na sakit na nakalarawan sa kaha ng yosi. Kabilang sa mga bansa na nabawasan nang malaki ang nag­yoyosi ay ang Thailand, Australia at Canada.

Nararapat sumunod sa batas ang cigarette companies. Ilagay sa pakete ang graphic images ng mga sakit na nakukuha sa pagyoyosi. Huwag bastusin ang RA 10643.

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GRAPHIC HEALTH WARNING LAW

KABILANG

MGA

PILIPINAS

REPUBLIC ACT

SA SOUTHEAST ASIA

SAKIT

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with