^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakamit din ang hustisya

Pilipino Star Ngayon

PAGKALIPAS ng pitong taon, nakamit din ng 62 biktima ng MV Princess of the Stars ang hustisya. Ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa Sulpicio Lines na bayaran ng P241.7 milyon ang mga kaanak ng biktima ng Princess of the Stars. Ang barko  ay pag-aari ng Sulpicio Lines. Lumubog ang barko noong Hunyo 21, 2008 sa karagatan ng Sibuyan Island sa Romblon. Kasalukuyang nananalasa ang Bagyong Frank nang bumiyahe ang Princess patungong Cebu.

Mahigit 300 pasahero ang namatay sa trahedya subalit 62 biktima lamang ang pinayagan ng korte dahil ang iba pang kaanak ng mga biktima ay na-bigong magpresenta ng ebidensiya.

Napatunayan ng korte na nagkaroon ng kapa-bayaan ang Sulpicio Lines (ngayon ay Philippine Sapan Asia Carrier Corp.) at ang mga may-ari nito na sina Enrique Go, Carlos Go at Victoriano Go. Hindi umano naging maingat ang kapitan ng barko sa pagtahak sa karagatan sa kabila na mayroong paparating na bagyo. Pinili pa rin umano ng kapitan na dumaan sa dating ruta gayung mayroon namang alternate route para maiwasan ang bagyo.

Ang hatol ng korte sa Sulpicio ay magandang palatandaan na mayroon pa ring hustisya sa bansa. Kahit inabot ng pitong taon bago nadesis­yunan ang Sulpicio, masasabing hindi natutulog ang hustisya at nahatulan nga ang may kagagawan sa trahedya. Isang malaking leksiyon ito sa iba pang kompanya ng barko para maging maingat at nang hindi nalalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga pasahero.

Medyo mabilis-bilis ang paghatol ng korte pabor sa mga naulila ng Princess kaysa naman sa mga nabiktima ng Doña Paz noong Disyembre 1987 kung saan 4,000 pasahero ang namatay. Hanggang ngayon mayroon pa umanong hindi nababayaran sa mga biktima ng Doña Paz. Patuloy pa rin silang naghahanap ng hustisya.

Maaaring magkaroon na ng pagbabago sa mga kompanya ng barko makaraan ang hatol  ng korte sa Sulpicio. May leksiyon na para hindi na maulit ang trahedya. Sana ang mahigit 200 pang biktima ng Princess of the Stars ay makatamo na rin ng hustisya.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BAGYONG FRANK

CARLOS GO

ENRIQUE GO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MGA

PAZ

PRINCESS OF THE STARS

SULPICIO

SULPICIO LINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with