TAKSANG - taksa madlang pinoy supporters ni Davao City Mayor Digong Duterte na umaasang tatakbo ito bilang pangulo ng Philippines my Philippines kaya naman marami ang nanghinayang nang ipaalam nito sa public last Thursday after lunch na hindi siya interesado sa position.
Sabi nga, ayoko!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, yesterday ay napakaraming Duterte supporters ang nakaabang sa COMELEC dahil umaasa pa rin sila na baka mag-file pa rin ito kahit na nagbitaw ng salita last Thursday.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang madlang supporters niya ay nag-prayer vigil pa sa Manila Cathedral last Wenesday night, madlang people sa COMELEC naghintay kay Duterte na dumating para mag-file ng COC mga kaibigan, kasangga at tagahanga nito na umaga pa lamang ng Thursday ay nagmumuni - muni at pakuya-kuyakoy sa Manila Hotel ay parang binuhusan ng kumukulong tubig sa nabalitaan nila nag-file sa Davao COMELEC ang idol nila para tumakbong Alkalde ng kanyang probinsiya.
Ika nga, parang naupos ang karamihan sa umaasa kay Duterte that time!
Sabi nga, huhuhu!!!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may up to December pa naman puedeng magdesisyon si Duterte o mabago ang kanyang plano at tumakbo itong pangulo.
Sabi nga, lalong gaganda ang labanan ng mga sikat na personalidad sa pagka-pangulo kapag nagkataon next year.
Abangan.
Si Mayor Cayetano et al
MUKHANG malalagay sa alanganin si Taguig Mayor Lani Cayetano et al dahil sisimulan nang busisiin ng Sandiganbayan ang kasong isinampa ng Ombudsman laban sa mga ito.
Ika nga, due process!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nai-raffle yesterday ang kaso nina Mayor Cayetano, asawa ni Senator Alan Cayetano, na tumatakbong Vice President sa Philippines my Philippines at Administrator Jose Luis Montales sa sala ni 1st Sandiganbayan na pinamumunuan ni Associate Justice Efren Dela Cruz.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kaso nila ay may kinalaman diumano sa kuwestyonableng pagpapatigil ng mga akusado sa city council assembly last August 2010 nang ikandado ang session hall ng Taguig.
Ang dalawa ay akusado sa paglabag sa Article 143 ng Revised Penal Code (RPC), na nagpaparusa sa mga taong gumagamit ng kapangyarihan at puwersa para maihinto ang pulong ng local legislative bodies.
Abangan.