^

PSN Opinyon

“Toreng Higanteng pinatutumba”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KILALANG MAGALING NA BASKETBOLISTA itong si Marlou Aquino. Gumawa ng pangalan ng siya ay naglalaro para sa Ginebra at iba pang koponan sa Phillipine Basketball Association (PBA).

Kasali din siya nagrepresenta sa ating bansa sa mga torneo sa Asia bilang miyembro ng Philippine Team. Binansagan siyang Mr. Skyscraper sa taas niyang 6’9” at ngayon dala niya ang bansag na ito sa kanyang negosyong pagtataksi.

“Malaki na ang nagastos namin pero kami pa itong pinapalabas na may atraso sa kanya,” ayon kay Marlou.

Operator ng Skyscraper Trans., Inc., si Marlou Aquino. Nagsimula sila sa tatlong sasakyan hanggang sa umabot na ng labing lima. Halos lima hanggang anim na taon pa lang sila sa ganitong negosyo.

Kumukuha siya ng taong sa tingin niya ay hindi siya dudugasin. Ginawa niyang tagapamahala ang kakilala niyang si Richard Aquino. Ito mismo ang nakikipag-usap sa kanilang mga driver at naglilista ng araw-araw na boundary. Isang libo kada araw ng pasada ang sinisingil sa mga ito.

Nung una bente kwatro oras ang biyahe ng taxi ngunit kalaunan naging alas sais ng umaga hanggang alas diyes na lang ng gabi.

“Marami kaming naging driver  na hindi nagbibigay ng boundary ng isa o dalawang araw tapos biglang mawawala,” ayon kay Richard.

Wala daw silang kontratang pimirmahan kaya’t kapag umaalis ang mga ito hindi na hinahanap. May panahon na bigla na lang itong nagpapakita at nakikiusap sa kanila na kailangan ng trabaho. Tinatanggap nila ito ulit.

Isang driver nila ang halos tatlong taong nagtrabaho sa kanila si Elpidio Salem. Nasira ang minamaneho nitong taxi kaya pansamantala itong hindi nakapasada.

 “Wala pa siyang isang buwang nabakante. Naawa naman kami kaya pinagamit namin siya ang ibang sasakyan para makapasada dahil may pamilya siyang binubuhay,” wika ni Richard.

Ang taksi na ipinasada ni Elpidio nang ibalik daw sa kanila ay sira na naman ang makina. Hindi na ito nakapasada dahil may kanya-kanyang sasakyan bawat driver.

Nagulat na lang sila nang may dumating na patawag mula sa National Labor Relations Commission (NLRC) na inirereklamo sila ni Elpidio ng Illegal Dismissal, Non-payment of 13th month pay, Non-payment of separation pay at humihingi pa ito ng ‘moral at exemplary damages’, Attorney’s fee at hindi umano pagbabayad ng kanilang mga benepisyo.

Nagkaroon ng unang ‘mediation’ tungkol sa isinampang kaso. Bilang kinatawan ng Skyscraper si Richard ang dumalo dito. Humihingi umano ng Php200,000 si Elpidio.

Nandun din sa pagdinig si Joseph Pamari?o na dati din nilang naging driver at may isa pang kasamahan.

“Ang laki naman masyado ng hinihingi niya. Kung  tutuusin kami itong napagastos nung pinagawa namin ang sasakyan na nasira nung pangalawa. Halos bente mil lahat yun. Kahit na magkano ang hilingin niya ipaglalaban namin na wala kaming kailangang bayaran sa kanya,” salaysay ni Richard.

Ang sasakyan na nakatoka kay Elpidio na naunang nasira ang hindi muna nila ginalaw. Ilang araw lang ang nagdaan nakatanggap naman sila ng patawag sa mga bagong nagrereklamo. Joseph Pamari?o Et Al ang nagrereklamo.

Illegal Dismissal, Refund of Pondo at Payment of Separation Pay ang reklamo ng mga ito sa kanila.

“Hindi naman namin sila tinanggal. Halos limang buwan nga lang siyang nagtrabaho sa ‘min. Basta na lang sila nawala. Si Joseph sirang-sira ang sasakyan na minamaneho niya. Naibangga sa barrier, may kaso pa nga siya sa Pasig,” pahayag ni Richard.

Ang pondo na binabanggit sa reklamo ay ang ibinibigay ng drayber na singkwenta pesos tuwing mag-aabot ng boundary. Ito raw ay pondo para sa pwedeng maging sira ng sasakyan kung kanilang kasalanan.

Kapag maliit lang ang gastusin dun lang daw nila pinagbabayad ang mga nagtatrabaho sa kanila pero kapag malaking bayarin inaako na lang nila.

Humihingi din sila ng ‘police report’ kapag sinasabi sa kanila ng mga drayber na nabangga sila pero tinakasan. Nagmamaneho din kasi si Richard kaya alam niya ang diskarte ng mga driver.

“Ibinibigay namin yung pondo nila pagdating ng pasko para may pera din sila. Hindi namin pinagkakait sa kanila yun,” wika ni Marlou.

Halos ilang taon na din daw hindi nagtatrabaho sa kanila si Joseph. Ipinagawa pa nila ang sasakyan na umabot ng Php300,000 ng mabangga ito.

Dagdag pa ni Marlou hindi makalusot kay Richard ang diskarte ng ibang driver dahil nagmamaneho din ito. May mga nag-aambisyon daw ng posiyon ni Richard bilang tagapamahala ng Skyscraper.

“Hindi ko sila gaanong nakakausap. Si Richard ang nagrereport sa akin kung ano ang mga kailangan ayusin at kung ano ang nangyari. Kung sila ang papalit kay Richard malulugi ako,” ayon kay Marlou.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nasa SENA o Single Entry Approach pa lamang ang usaping ito. Magkakaroon pa sila ng ilang paghaharap upang tingnan kung madadaan sa usapan ang kanilang naging problema.

Ngayong araw na ito, October 16 maghaharap muli sila sa NLRC at sakaling hindi sila magkasundo saka pa lamang isasampa ang kaso. Pagpapasahin sila ng kani-kanilang ‘Position Paper’ at mga ebidensiya tungkol sa reklamo.

Magagamit nina Marlou ang Police Report ng pagkakabangga ng sasakyan sa barrier upang patunayan kung ano ang dahilan kung bakit hindi nakabiyahe ang mga nagmamaneho sa kanila.

Maaari din silang maglabas ng mga testigo para magpatunay ng mga nangayari sa kompanya. Titimbangin ito ng Arbiter at saka maglalabas ng desisyon kung anong panig ang mas kapani-paniwala.

Ang malaking katanungan din dito ay kung may ‘emloyee-employer relationship’ sa pamamagitan ng Skyscraper at nung mga drayber na nagrereklamo para sabihin sila ay mga regular na empleyado?.

Sila ba ay matuturing na ‘self-employed’ kaya naka-atang sa kanila ang pagbabayad ng SSS?

Saan naman nakuha ang ‘computation’ na P200,000php? Ang lahat ng ito ay masasagot ngayon na nasa NLRC na ang usapin ng Skyscraper at kanilang mga drayber.

Si Mr. Skyscraper pakiramdam niya siya ngayon ay pilit na ginigiba ng mga taong tinulungan niyang itaguyod ang kanilang mga sarili.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

NAIS KONG BATIIN ang aking anak na si Sonny Calvento, ang aking bunso ng maligayang kaarawan. Si Sonny ay isang Scriptwriter sa ABS-CBN at abangan ninyo ang kanyang ipalalabas na tele-serye na tinatampukan nila Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

ACIRC

ANG

DIN

ELPIDIO

HINDI

ITO

KANILA

MARLOU

MGA

RICHARD

SILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with