Options

SA loob ng isang linggo, Iba’t ibang personalidad ang sumambulat sa bansa sa filing of candidacy sa Comelec. Siyempre, nandun ang mga nangunguna sa survey na kilala na natin. At ang mga pihadong kulelat at pupulutin sa kangkungan.

Marami na ring naisulat tungkol sa ratings ng leaders. Lalo na sa pagka-senador. Isang dosena ang pipiliin natin. Sa dami ng nagpiprisinta, sayang naman kung hindi natin kikilalanin at susuriin ang kanilang mga programa at personalidad. 

May ilan din sa madla na talagang lumulutang, kabilang dito sina Congressman Neri Colmenares at Atty. Lorna Kapunan na kapwa kandidatong senator sa ticket ni Sen. Grace Poe. 

Si Colmenares ay matagal nang naglilingkod sa Batasan bilang kinatawan ng bayan muna partylist. Bagamat may sektor at adbokasiyang isinusulong, maaasahan itong makilahok sa lahat ng mahalagang talakayan hindi lang sa loob ng kamara kung hindi rin sa mga public forum. At laging maasahang ma­prinsipyo at malawak ang kanyang pag-intindi ng usapin.

Si Atty. Lorna Kapunan ay matagal na ring naglingkod sa publiko. Isa siya sa mga kilalang abogado na maasahang la­ging ipaglalaban ang karapatan ng kababaihan at ng mga sektor ng naapi. Lagi ring batay sa prinsipyo ang mga pustura ni Atty. 

Ang maganda sa dalawang ito ay hindi lang sila mata­tapang at matapat. Higit dito, sila ay pawang mahuhusay sa debate at tinitingalang   eksperto.

Masuwerte ang mga botante kapag ganito ang kalibre ng mga nagpiprisinta. Sana’y suriin nating mabuti ang kandi­datura ng lahat nang makasiguro tayo na hindi masasayang ang ating sagradong boto.

Show comments