SA salitang bading, sasabihing maraming “kiyeme” itong si Camarines Norte Rep. Leni Robredo kaugnay ng alok sa kanya ng Liberal Party na tumakbong vice president para sa kanilang presidential bet na si Mar Roxas.
Pero ngayon daw malalaman ang kanyang desisyon sa programa ng Liberal Party (LP) sa Club Filipino ang desisyon kung tatakbo siya bilang bise presidente ni Roxas. Alam kasi ng pamilyang Robredo ang takbo ng politika sa bansa kaya tinututulan ng kanyang mga kaanak ang pagtakbo niya sa mataas na posisyon sa pamahalaan.
Maraming kinunsulta si Robredo. Kulang na lang hukayin niya sa libingan ang labi ng kanyang yumaong asawang si dating DILG Sec. Jesse Robredo para tanungin. Kinailangan pa niyang umuwi sa Naga para konsultahin ang kanyang mga constituents sa ikatlong distrito ng Camarines Sur.
Kung sa paningin ng iba ay nagpapa-hard to get si Robredo, in fairness naniniwala ako sa kanyang pagiging reluctant. Noong isang linggo ay inunahan na ng mga leader ng LP ang announcement ni Robredo sa pagsasabing pumayag na ito na magbise para kay Mar. Pero nang siya mismo ang tanungin ng mga reporters, sinabi niya na wala pa siyang desisyon.
Kaya bagama’t tinitiyak ng mga LP stalwarts na tatakbo siya sa pagka-bise, mahirap pa ring hulaan ang nasa loob ni Robredo. Malay n’yo, baka ang desisyon niya ay tumakbo na lang sa pagka-senador.
Ang sabi ni House Speaker Sonny Belmonte, ayaw din naman niyang labag sa damdamin ng mga anak ni Robredo.
“We want all of her family to feel very at ease with the decision and to be fully supportive of the decision and they are grown-ups na naman,” aniya.
Anyway, sana nga ay matutuldukan na ang matagal na panahong paghihintay ng LP para sa magiging vice ng kanilang pambatong si Mar.