Walang tumitilaok

Tilaok ng manok di ko naririnig

Sapul nang malipat sa lunsod ng Taguig-

Dito’y walang manok na laging kaniig

Nang maraming taong magsabong ang hilig

 

Mga tao rito’y mga negosyante

Sa negosyo sila ngayo’y nagpaparte;

Mga manok dito siyang kinakarne

At inihahain sa okasyo’t party!

 

Sa halip na dito’y tilaok ng manok

Ang naririnig ko ay lakas ng kulog;

Kasunod ng kidlat dito’y sumasabog-

At saka uulang baha ang kasunod!

Sa pook na ngayo’y aming nalipatan

Makikita rito’y malalaking bahay;

Hindi binabaha ang mga lansangan

Pagka’t umaagos sa dulo ng bayan!

 

Sa halip ngang manok dito’y naririnig

Huni ng butiki at mga kuliglig;

Awitan ng ibon sa kabilang panig

Na nasa sa hawlang dove at love birds!

 

Mga bahay rito gawa ng DMCI

Ang iba’y binili ang iba’y upahan;

Ito ay nayaring konkreto’t matibay

Sa kidlat at kulog di ka kakabahan!

 

Mga tao rito’y kanya-kanyang kotse

Mayroong iisa ang iba ay doble;

Di pa naaayos ang pag-paparking dine

Kaya makikitang may mga nag-park sa kalye!

 

Kaya ngayon kami’y kuntento at masaya

Sa nabiling bahay ng anak kong una-

Sa mga anak kong naiwan ng inang-

Sa kanyang hantungan siya’y tahimik na!

Show comments