^

PSN Opinyon

‘Kapabayaan sa agrikultura’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang problema ng bansa ang kakulangan sa irigasyon. 

Taun-taon, bilyones ang nasasayang sa sektor ng agrikultura. Ang epekto at pangunahing napipinsala, mga pobre at kumakalan na sikmurang magsasaka. Hindi nabibigyan ng tamang atensyon kaya naman walang maayos na patubig, subsidiyang binhi, mga pataba o fertilizer at magandang ani. 

Lumalabas tuloy, mas pabor at mas prayoridad pa ng pamahalan ang mag-import nalang ng bigas kung saan bil­yones ang halaga. Kaya ang nangyayari, ang perang para sa mga magsasaka, napupunta sa palad ng mga dayuhan. 

Nauna nang kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mababang agricultural output ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya. Papa­ano ba naman kasi, ang mga namumuno sa Department of Agriculture (DA), sangkaterbang palpak. Sa halip na alamin ang pangunahing kailangan ng mga magsasaka, pulitika at pamumulitika ang inaatupag. Walang maayos na irigasyon, kung mayron man, hindi tapos o di naman kaya, kulang. 

Tulad nang inaatungal ngayon ng mga pobreng nagbu­bungkal ng lupa, mga church leader at mga environmen­talist sa National Irrigation Administration (NIA).

Panahon na ng taniman pero ang mga literal na ‘hampas-lupa’ sa probinsya ng Kalinga matagal nang naantala sa pagsasaka. Nasira ang kanilang farming calendar at cropping cycle­ dahil sa kapalpakan at kapabayaan sa proyektong Upper­ ­­Chico River Irrigation System (UCRIS).

Taong 2013, sinabi ni DA Secretary Proceso Alcala rice self-sufficient na ang Pilipinas bago matapos ang taon. Su­balit, matatapos na ang 2015 at ang termino ng kasaluku­yang administrasyon, hindi pa rin ito naaabot ng bansa. Sa halip na pagtuunan ng pansin ng departamento ang mga ‘hampas-lupa’ sa mga gagawing proyekto, aktibidad at programa, irigasyon ang sinisisi ni Alcala at importasyon ang tanging solusyon niya sa problema. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal. 

­

ACIRC

ANG

BANGKO SENTRAL

CHICO RIVER IRRIGATION SYSTEM

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

MGA

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

NBSP

PILIPINAS

SECRETARY PROCESO ALCALA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with