HINDI lang pala isa o dalawa ang nabiktima ng modus operandi ng mga bugok sa NAIA, ang tanim - bala extortion raket dahil marami pa ang nabiktima nito kasi isa-isa silang lumalabas sa lungga para ikuento ang mapait nilang karanasan.
Ika nga, I pity them!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga kongresista at mga taga - LGU’s din pala ang nabiktima ng modus operandi sa binansagan NAIA ‘worst airport’.
Sabi nga, seryoso ang issue, hindi ito nakakatawa! Tama ba, mga pa bright,bright sa NAIA?
‘Paano maalis ang bansag sa paliparan na ‘worst airport’ kung may mga ganitong katarantaduhan nangyayari sa paliparan at ang kadalasan nabibiktima ay iyong mga kawawang nilalang ni Lord na umaalis na pasahero sa NAIA?’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginastusan ng million of pesos ang NAIA para pagandahin ang paliparan sa mata ng mga foreigners at balikbayan pero hanggang may mga ganitong klase ng usapin ay ‘worst airport’ pa rin ito. Tama ba, GM Bodet Honrado, Your Honor?
Sabi nga, hindi paliparan ang problema kundi ang mga bugok na empleado dito dahil ginastusan na ang NAIA para pagandahin pero may mga kamoteng sumisira ngayon dito.
‘Kaya sa pangyayari tuloy hugas - kamay ang MIAA management dahil kumambiyo sila agad dahil under ng Office of the Transport Service ang dalawang inaakusahan kotong-ngero at sabay buelta na ang OTS ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOTC.’ sabi ng PR ng MIAA. Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lahat ng madlang employees sa NAIA ay nasa ilalim ng MIAA management dahil sila ang kumukumpas sa mga para papapasukin sa loob ng terminal at rampa para at mino-monitor din nila ang trabaho ng mga taga-rito.
Ang MIAA ay nasa ilalim ng DOTC kaya kung anong kabulukan o nangyayari sa paliparan puede silang managot sa huli. Ang OTS ay maliwanag pa sa gasera na nasa ilalim ng mga bright sa MIAA.
‘Kaya dapat aksyunan nila ito at hindi iyong maghugas kamay.’ sabi ng kuwagong nagpapalusot.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, talk of the town ang tanim bala raket extortion sa NAIA dahil sa istoryang ito baka matakot ang mga turista sa paliparan na binansagan ‘worst airport.’
Abangan.
Political will ang kailangan sa matinding traffic
LAST Thuesday, isinulat ng mga kuwago ng ORA MSIMO, ang dapat gawin ng gobierno para guminhawa ang madlang people kahit papaano sa nararanasan nilang teribleng traffic hindi lang sa EDSA kundi sa boung Metro - Manila, lalo’t ngayon papaitan este mali papalapit pala ang christmas season kaya ang mga sasakyan galing mga probinsiya tiyak dadagsa sa M.M, imagine ang idudulot nitong traffic kapag nagkataon.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda ang ipinatutupad ng mga ‘genius people’ sa traffic sa ngayon lalo’t nawala na si MMDA Francis Tolentino sa pagmamando ng batas trapiko kaya naman ang PNP - HPG ay panay ang aral sa ikaluluwang ng mga vehicles sa kalsada.
Sabi nga, no u-turn doon, no u-turn dito, hila doon, hila dito at ang isa sa pinakamagandang ginawa ng PNP -HPG ay tanggaling ang obstruction sa kalsada.
Ika nga, illegal terminals, vendors at mga naka-park sa kalye!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit anong klaseng pagbabawal sa kalye sa mga sasakyan tumatakbo dito tulad ng number coding, color coding echetera sa liit ng kalsada ngayon sa Philippines my Philippines at volume ng mga sasakyan dumadaan dito ‘siguradong heavy traffic pa rin!’
Ika nga, mahihirapan sila!
‘Ano ang magandang solution?’ Tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Sagot - the best na solution pag-usapan muna ng gobierno kung kailan o anong araw hindi patatakbuhin ang mga sasakyang ‘Toyota, Mitsubishi, Hyundai, Honda, Kia, iba pang branded cars tiyak mawawala sa araw na iyon ang kalahati sa mga sasakyan nasa kalye at luluwag ito.
Ang mga imported vehicles ay bigyan din ng araw na hindi puedeng tumakbo sa kalsada kung anong sasakyan tumatakbo sa kalye na branded din pero maliit ang bilang ipagsama-sama sila sa araw na bawal sila sa kalsada.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pampublikong bus, number coding muna sila habang hindi pa naayos ang mass transportation system sa Philippines my Philippines dahil it will take time para magawa ito at napakalaking gastos.
Sabi nga, subukan bago magtaas ng kilay!
Abangan.