Si Rep. Gatchalian at ang mga nagawa nito

MALAKI ang paniwala ni Valenzuela City Rep. Sherwin “Win” Gatcha­lian, na ang edukasyon ang solusyon para sa magandang kinabukasan ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Win ang nagpursige para mabigyan ng mahigit sa 58,000 sholarship students para maipagpatuloy nila ang kanilang pangarap na makatapos sa pag-aaral at umasenso ang kanilang buhay.

Bukod sa dedikasyon nitong pag-aralin ang mga students na gustong magtapos ng pag-aaral may 16,000 students feeding program everyday ang itinataguyod ni Win para sa kanyang mga constituents.

Hindi biro ang adhikain ni Win, dahil 84,000 ang pinamamigay nitong mga school supplies ‘free of charge’ sa mga students yearly para tulungan ang mga ito at maging magulang nila sa gastos sa pagbili ng kagamitan pang-eskuela.

‘Kaya ano pa ang hahanapin natin kay Win may sarili itong palo para sa madlang students na bigyan sila ng magandang edukasyon na malaking pangarap ng isang magulang na nagpapa-aral sa kanilang mga anak.’ sabi ng kuwagong lakwatsero.

Nakilala ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Win wala pa ito sa politika may sarili na itong diskarte sa buhay kaya noon pumalaot na ito sa halalan at nanalong Alkalde sa Valenzuela City, marami ang nagtaasan ng kilay dahil maraming kritiko ang sumira sa kanya kesyo walang gagawin maganda ang bagong halal ng bayan kasi nga ang negosyo nila ang bibigay ng matinding proteksyon.

Ang siste nagkamali ang mga balasubas este mali kritiko pala dahil ang unang ginawa ni Win sa cityhall ay alisin ang korupsyon na ikinagalit ng mga nakakaraming nakikinabang todits.

Sabi nga, walang pakisama si Win!

‘Naayos ni Win ang Valenzuela napaganda nito ang lugar napasemento ang mga kalye todits at napanatiling malinis.’ sabi ng kuwagong haliparot sa Kankaloo City.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang unang ginawa ni Win sa Valenzuela ay inalisan nito ng tahig ang mga kurap people sa cityhall kaya naman marami ang nabuwisit dito noon dahil hindi birong salapi ang nawala sa kita nila everyday.

Ibinigay ni Win, ang pagkakakitaan sa constituents niya para sila mismo ang gumawa ng mga bagay na ikagaganda ng Valenzuela City kaya naman ang mga kurap ay nagsilayas at lumipat ng lungga.

‘Ang trabaho o mga gawain na ipinakokontrata noon sa mga kontratista na may sabwatan ang mga bugok sa cityhall at naging kaugalian dito noon ay ipinahinto ni Win at ibinigay sa matitinong empleado sa cityhall ang mga dapat baguhin o gawin sa Valenzuela para sila mismo ang gumawa ng proyekto at maiwasan ang kurapsyon.’ sabi ng kuwagong pipi.

Kaya naman maraming nabagong kaugalian sa gobierno ng Valenzuela mula ng si Win ang umupong alkalde ng Lungsod.

Ano pa ang hahanapin natin kay Win napakaraming nagawa sa Valenzuela at malamang next year hindi lang taga-Valenzuela ang kanyang matulungan kundi ang entire Philippines my Philippines.

‘Oh, ano sa palagay mo?’

Kay Win na tayo?

Korek, ka dyan!

Abangan.

Grabeng traffic madaling solusyonan

‘POLITICAL WILL,’ lang ang kailangan para ipatupad at masolusyunan ang malalang trapiko sa Metro - Manila at hindi na sigurong kaila­ngan pa ang number o color coding para lumuwag ang kalsada sa mga pribadong sasakyan nagdaraan ng mga pangunahin at secondary roads.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na natin maawat ang madlang people na bumili ng mga brandnew cars at mga motorsiklo dahil napakamura ng down payment nito sa ngayon at maging ang monthly payment ay kayang-kaya bayaran.

Ika nga, barya-barya na lang!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magkakaroon pa ng problema ang gobierno oras na ipatupad nilang no parking, no car sa Philippines my Philippines.

Bakit kamo?

Sagot - magpapalagan ang mga ordinaryong madlang people sa regulasyon na baka ipatupad sa susunod na panahon.

‘Ano ang dapat para maibsan ang trapiko sa kalye?’ tanong ng kuwagong patanga-tanga.

Sagot - mass transportation system pero it will take time pa ito dahil sa tindi ng halaga sa gastos oras na isinulong ito ng gobierno.

‘Ano nga ang dapat?’

Sagot - simple lamang kung talagang gusto natin hindi magkaroon ng matinding traffic sa EDSA at karating pook during rush hour ito ang dapat gawin ng gobierno.... imbes na number coding sa mga private vehicles bakit hindi subukan ang ‘brand’ ng mga sasakyan para ipagbawal ito sa kalye sa araw na pag-uusapan ng mga bright people.

Halimbawa, Toyota at Honda ipagbawal itong tumakbo sa kalye ng Lunes, Martes ang Mitsubishi, Kia, Hyundai echetera, ang mga imported vehicles ay may araw na bawal din sa kalye basta ang gobierno ang magpapatupad nito at ‘political will’ ang kailangan todits para maibsan ang malalang traffic.

Ang mga pampublikong buses dahil may kakulangan sa public transportation huwag tanggalin ang number coding sa kanila at ang truck ban ay ipatupad pa rin sa dating oras.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa puntong ito malaking ginhawa sa madlang people ang suhestiyon basta ang importante ay ‘political will.’

Abangan.

Show comments