^

PSN Opinyon

Bagong MRT-3 bagon hindi umaandar

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DUMATING na sa Manila ang prototype na bagon ng MRT-3 commuter train. Matagal nang hinihintay ni Transport Sec. Joseph Abaya ang “fully functional model” ng 48 bagon na inorder niya nu’ng 2013 nang P3.8 bilyon sa China. Ipinagmamalaki niya na pandagdag ang mga ito sa 73 lumang bagon. Bibilis at lilimit umano ang biyahe, para sa kapa­kanan ng 560,000 pasahero araw-araw sa MRT-3.

Teka, bakit nu’ng na-televise ang prototype ay itinulak ito ng luma na bagon sa riles patungong depot? Bakit hindi ito umaandar nang sarili?

Ay, wala palang makina ang prototype. Dapat, bilang fully functional model, hindi lang ito umaandar kundi kaya rin mag-preno, umatras-abante, lumiko sa kurbada, tumulak-humila ng ibang bagon, maikabit sa signaling system ng buong MRT-3, at may air-condition, ilaw, automatic doors, at marami pang ibang accessories. Kung wala itong makina ay wala itong silbi.

Ani Abaya, darating pa lang sa Oktubre ang inorder niyang traction motor mula Germany. Isasalpak ito sa pro­toype para ma-testing hanggang Disyembre. Tapos, magagamit na umano simula Enero -- kasama ang mga darating pang ibang bagong bagon.

Huwag sana masyado mabilis magsalita si Abaya, dahil baka makagat ang dila. Labag sa kontrata ang prototype na walang makina. Nakasaad du’n na bago pa man ito dalhin sa Manila, dapat na-test run na ito nang 5,000 kilometro. Kung wala itong makina, ibig sabihin ay hindi ito na-test run. Dahil walang testing, hindi dapat ito tinanggap ni Abaya.

Balak ni Abaya na sa riles ng MRT-3 i-test run lahat ng bagong bagon. Aba’y baka hindi masunod ang hinihi­nging 5,000-km na takbo. Kasi, magagawa lang ito sa gabi, habang off ang regular na biyahe ng tren. Sa standard test, dapat inspeksiyunin ang gulong, preno, catenary, elec­tronic connectors, at electrical parts tuwing 150 km. Mawawasak ang lumang riles. Mapepeligro ang mga motorista­ sa ibaba ng EDSA.

ABAYA

ACIRC

ANG

ANI ABAYA

BAGON

BAKIT

BALAK

BIBILIS

ITO

JOSEPH ABAYA

TRANSPORT SEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with