ISA bigtime smuggler na Chinoy businessman ang nakaloko ng million of pesos sa gobierno noon hanggang ngayon pero nakakalusot ito sa kanyang mga illegal activities.
Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Danny ‘NT,’ ang may-ari ng P30 million halaga ng facility pero naibenta niya ito diumano sa NABCOR, isang corporate arm ng Department of Agriculture sa halagang P220 million at pagkatapos ng bilihan ay nasungkit pa ng kamote ang P.5 billion kontrata sa nasabing ‘madungis’ na ahensiya,
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas Danny ‘NT’ ay beteranong gago na sa DA, dahil limpak-limpak na salapi ang nakomisyon nito sa paggawa ng mga katarantaduhan kasabwat ang mga buguk na opisyal ay mga employees kaya naman ang mga kontratang nakukuha niya ay parang tubig na bumabagsak sa kanyang palad.
Ika nga, suerte ang animal!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkot si alyas Danny ‘NT’ sa fertilizer fund scam.
‘Isa si Alyas Danny ‘NT’ sa pinakamalaking smuggler ng iba’t-ibang klase ng mga agricultural products tulad ng sibuyas, bawang, fertilizer at pesticides.’ sabi ng kuwagong manananggal.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa tindi ng koneksyon nito sa mga matataas na opisyal ng gobierno kaya ito isang untouchable businessman bukod pa sa mga close-in security nito mga ahente diumano ng National Bureau of Investigation. Take note, DOJ Secretary Leila de Lima at NBI director Virgilio Mendez. Your Honors.!
Abangan.
CPNP Ric Marquez, read this!
IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang walang tigil na operasyon ng mga paihi o nakaw na prodokto ng petrolyo sa pamamagitan ng pag-sipsip sa barge o trak sa pangunguna ng grupo nang isang alyas Danny ‘blade’ sa Barangay Mambog, Hermosa, Bataan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Sunday early morning ay sumabog ang mga nakaw na paihi ni alyas Danny ‘blade’ sa isang lugar sa Barangay Mambog, sinasabing dalawa sa kanyang mga alagad ang nasa critical condition sa diumano’y ospital na pinagdalhan nito samantala ang dalawa ay wala pang balita kung ano ang kalagayan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinilala nila ang mga biktima na sina alyas Ryan, Jimmy, Pari at Jayson.
Ang isa sa mga ito ay tagilid dahil sa nangyaring pagsabog nang paihi supply.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas Danny ‘blade’ ay ex-burungoy kawatan sa Bataan at hinuli na rin ng NBI -NCR sa kanyang kagaguhan kamakailan kaya nawala ang talim nito sa nasabing probinsiya matapos itong makulong.
‘CPNP Marquez, sir, bakit patuloy pa rin ang paihi sa Bataan lalo na sa Hermosa?’
Tanong - ano ang ginagawa ni PS/Supt. Rodel Sermonia ang provincial commander mo sa Bataan?
‘Hindi kaya niya ito alam?’ Take note, CPNP Marquez o mas mabuti kaya balasahin mo na sila sa probinsiya.
Abangan.