SANGKATERBANG madlang people sa Philippines my Philippines ang nanghinayang ng magsalita si Davao City Mayor ‘Digong’ Duterte, na wala siyang ambisyong tumakbo sa pagka-panggulo este mali pangulo pala sa 2016, dahil ang balak niya ay magretiro na sa susunod na taon sa politika.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong madlang Pinoy ang humanga at may gusto kay Duterte dahil alam nilang gamit nito ang kanyang kamay na bakal at dala ang ‘balls’ pagdating sa usapin ng katiwalian, droga, smuggling at krimen.
Sabi nga, Patyon ko kayo!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung si dating Manila Mayor Fred Lim ang kinikilalang ‘Dirty Harry’ sa Metro Manila, si Digong naman ang matunog sa Davao City, dahil alam ng madlang kababayan niya na hindi siya nagbibiro sa madlang kamote na sumusuway sa ipinagbabawal ng batas.
Ang isa pang may political will, may ‘isang salita’ at laban sa mga katiwalian at hindi natatakot na ibulgar ang kamalian at kalokohan sa gobierno ay si dating Senator Ping Lacson.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinakita na ni Ping ang kanyang kakayahang ipaglaban ang tama at labanan ang mali noon pang miembro siya ng Philippine National Police, Presidential Anti-Organized Crime Task Force at lalo na sa Senado.
Sabi nga, hindi siya nagbibiro!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bilang miembro ng Senado, ipinakita ni “Ping” ang kanyang kakayahang ipaglaban ang tama at ituwid ang baluktot.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon si Ping ang CPNP, nawala ang mga abusado at kotong cops sa kalye. Ibinalik ang mga na-recover na carnapped na sasakyan, at lumiit ang tiyan ng mga pigoy este mali pulis pala dahil na rin naging disiplinado ang mga ito during his term. Bilang senador, ipinakita niya ang tapang niya sa pamamagitan ng pag-expose ng katiwalian.
Si Ping lang ang tumanggi sa P200 million pork barrel fund allocation every year.
At ang pinakamatindi After his termino bilang senador, ginawa rin niya ang kanyang makakaya upang tulungan ang mga nasalanta ng super typhoon Yolanda na bumangon muli, sa pamamagitan ng pag-coordinate ng programa para sa kanila.
At bagama’t Citizen Ping na muna siya sa ngayon, tuloy pa rin ang kanyang paglaban sa mali, sa pamamagitan ng pagsiwalat ng bagong anyo ng pork barrel fund sa pambansang budget.
Ayon kay Ping, pareho sila ni Mayor Duterte pagdating sa core competence: sa peace and order, laban sa illegal drugs at kriminalidad, at political will.
At kung sakaling maging pinuno siya sa Philippines my Philippines ipaiiral ni Ping ang disiplina sa 1.5 milyong kawani ng pamahalaan para maging mabuting halimbawa sa 100 milyong madlang pinoy.
Abangan.