^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kinalimutan na ang FOI Bill?

Pilipino Star Ngayon

NOONG nangangampanya pa si P-Noy noong 2010, tandang-tanda namin nang kanyang sabihin na susuportahan niya ang Freedom of Information (FOI) Bill kapag nakaupo na sa puwesto. Sa susunod na taon ay bababa na siya sa puwesto pero nagkaroon na yata siya ng amnesia at hindi na prayoridad ang FOI. Pero kapag tinatanong naman siya ukol dito ay sinasabi niyang okey na raw ito. Wala raw pagbabago sa stand nila sa FOI. Ano bang nangyayari? Pero kung ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ang uungkatin, dapat na raw maipasa ito.

Ano pa bang problema sa FOI at tila wala nang interes na maipasa sa kanyang termino? May proposed funding na ang Freedom of Information (FOI) Bill. Maski si House Speaker Sonny Belmonte ay nagpahayag na maaaprubahan ang FOI sa panahon ni P-Noy. Pero tila malabo na nga ang panukalang ito dahil hindi sigurado ang mga sagot ni P-Noy.

Kung noon pa inaprubahan ang FOI Bill, maa­aring hindi nalustay ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas. Maski ang Disbursement Allocation Program (DAP) ay hindi rin makakaporma kung may FOI.

Nangyari na ang mga pagpapasasa sa kaban dahil walang kapangyarihan ang mamamayan na mahalungkat ang mga transaksiyong ginagawa ng government officials. Katulad na lamang ng ginawa ni Janet Lim-Napoles na nakapagbulsa ng P10 bilyon makaraang lumikha ng pekeng non-government organizations (NGOs).Tatlong senador ang sinampahan ng kaso at nakakulong dahil sa paglustay sa pork barrel --- sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Nakalaya namang pansamantala si Enrile dahil pinayagan ng Supreme Court na makapagpiyansa.

Tuparin sana ni P-Noy ang pinangakong susuportahan ang FOI Bill. Maaalala siya ng mamamayan sa sandaling maging batas ang FOI. Dapat maging batas sapagkat nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang mamamayan na malaman ang mga transaksiyong ginagawa ng pamahalaan. Karapatang mabatid ang mga polisiya, proyekto at mga programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pera ng taumbayan.

ANG

ANO

BANGSAMORO BASIC LAW

BONG REVILLA

DISBURSEMENT ALLOCATION PROGRAM

FOI

FREEDOM OF INFORMATION

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE

JANET LIM-NAPOLES

P-NOY

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with