^

PSN Opinyon

Hanggang saan ang tigas ng HPG?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

IPINAMALAS kahapon ng Philippine National Police-Highway Patrol Group kay MMDA chairman Francis Tolentino este sa madlang people na may “bayag” sila sa pagsasaayos ng trapiko sa kahabaan ng EDSA. Patunay lamang ito na may isang salita si HPG director Chief Supt. Arnold Gunacao sa kanyang mga boss at PNP chief Gen. Ricardo Marquez nang tanggapin ang iniatang sa kanyang balikat.  Sa unang salbo kasi ng kanilang trabaho, nawalis ang mga illegal parking at sidewalk vendors sa Balintawak at Cloverleaf market kaya lumuwag ang kalye.  Ito kasing mga illegal parking  at illegal vendors sa kahabaan ng Balintawak market ay nilumot nang problema ng sambayanan ngunit matagal din palang gatasan ng corrupt officials ng Quezon City Hall, barangay officials, pulis at mga tauhan ni Tolentino sa pagsimsim ng “collection money” noon pa man kaya hindi ito nabubuwag.

May mga eksena pa nga na nagkaroon ng rambolan nang subukang linisin ng mga taga-City Hall at MMDA ang naturang lugar. Paano nga naman nila mapapalayas ang mga sagabal sa kalye kung nangingibabaw ang pera-pera system mula sa mga ilegalista, hehehe! Subalit mukhang nagkaroon na ng katapat ang mga naghahari-harian sa Balintawak nang ikumpas ni Pres. Noynoy Aquino kay Marquez ang kinakalawang na kamay na bakal matapos ang batikos ng netizens. Labis na kasi ang pag-aalala ni P-Noy na baka dumating ang 2016 election na mabubutata ang kanyang mga kandidato dulot ng pagpapabaya ni Tolentino sa pagsaayos ng trapiko. Nasa tamang direksiyon si Gunacao na ipatupad sa madlang people na ang kalye ay sa mga sasakyan samantalang ang bangketa ay sa mga tao at pagdisiplina sa mga abusadong drayber ay sa mga makikisig niyang tauhan.  Ang tanong, hanggang saan ang tigas ng paninindigan ni Gunacao na di masisilaw sa datung na ihahain sa kanya ng mga ilegalista?

* * *

Nais kung kalampagin si NCRPO chief Joel Pagdilao sa patuloy na operasyon ng perngalan ni Roy Atienza at Maressa diyan sa nasasakupan ni MPD director C/Supt. Rolando Nana. Para sa kaalaman mo Gen. Pagdilao patuloy pa rin ang malawak na operasyon ng color games sa Algeciras kanto ng Laong Laan at Fajardo/ Vicente Cruz  Streets na dinarayo ng mga sugarol tuwing gabi. Mukhang matindi ang laway ng dalawang hao shaao media na sina Tabatsoy at Sunog Baga at nabola nila sina Gen. Nana at Police Station-4 chief P/Supt. Mannam Muarip kung kaya ang operasyon ng color games ay patuloy na namamayagpag sa Maynila. Hindi lamang iyan mga suki, maging ang video karera/fruit games machine nina Romy Gutierrez, Ver Navarro, Tata Gener “ Paknoy” Fresnedi at RR ay hindi kayang salingin ni Gen. Nana at station commanders dahil nakatrangko rito ang dalawang hao shao. Hanggang kailan kaya ang buwenas nina Tabatsoy at Sunog Baga sa liderato ni Nana? Abangan!

vuukle comment

ANG

ARNOLD GUNACAO

BALINTAWAK

CHIEF SUPT

CITY HALL

FRANCIS TOLENTINO

GUNACAO

HIGHWAY PATROL GROUP

JOEL PAGDILAO

MGA

SUNOG BAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with