PUTOK ngayon ang usapin ng sugar smuggling sa Bureau of Customs kaya naman pati mga militar ay mahigpit na naka-monitor para bantayan ang pagpupuslit ng mga asukal na itinago ng mga sindikato.
Ika nga, hide and seek!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinasamantala ng mga nagsabwatan bugok sa customs at mga smugglers dito ang matinding away ng dalawang opisyal sa aduana kaya nagtatangka silang magpuslit ng mga epektos sa pier. Alam kaya ito nina Customs Commissioner Bert Lina at Depcom Delloza?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kamakalawa pa ng gabi ay may mga nakakalat na diumanong mga sundalo sa pier para tiktikan ang pagpupuslit ng daan-daan sakong asukal.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other day ay may nahuling mga imported sugar at ang sinasabing nakapatong o nagta-trabaho nito ay isang mataas na opisyal ng bureau?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ika nga, nagtuturuan ang dalawang magkalabang mortal na opisyal ng BOC.
‘Sino ang nagta-trabaho ng puslitan blues ng mga asukal?’
Abangan.
MMDA hindi na bida sa EDSA
SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa malalang traffic sa EDSA at karatig pook ng Metro - Manila hindi na bida si MMDA chairman Francis ‘for Senator’ Tolentino dahil ang PNP - HPG na ang lead agency pagdating sa ‘traffic enforcement’ matapos itong italaga ng malakanin este mali Malacañang pala.
‘Wala ng media coverage siguro kay MMDA chairman Francis ‘for Senator’ Tolentino dahil hindi na siya ang bida ngayon.
Bakit?
Sagot - ang Philippine National Police’s Highway Patrol Group, ang bida simula sa Lunes para pangunahan ang pagpapatupad ng ‘traffic enforcement’ sa 17 - kilometrong napakatinding trapik sa EDSA.
Sabi nga, salamat Lord!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other week nanawagan ang ilang sektor na magbigti este mali magbitiw pala sa tungkulin si Tolentino dahil para sa kanila ay hindi nito kaya ang kanyang trabaho.
Ika nga, imbes sa Metro Manila mag-lagi sa mga probinsiya nakikita si Francis?
Bakit naman?
Sagot - nagpapakilala sa madlang people todits. Hehehe!
‘Tatakbo ba itong senador?’ Tanong ng kuwagong magaling sa gimik.
Sagot - baka!
May walong choke points sa EDSA ang babantayan ng HPG ito ay ang Balintawak, Cubao, Ortigas Avenue, Shaw Boulevard, Guadalupe at Taft Avenue para disiplinahin ang mga abusadong bus drivers na dumaraan ng EDSA at ginagawang terminal ang nasabing mga lugar.
‘Kailangan alisin ang mga sagabal sa EDSA tulad ng illegal terminal, mga obstruction at mga abusadong drivers na bumabalagbag at tumtitigil para magsakay o magbaba ng mga pasahero at hulihin ang mga bus na lumalabas sa itinakdang daanan nila sa EDSA ang ‘yellow lane.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Abangan.
Calling, AGMA alumni members
ISANG fund raising concert ang naisip ni Atty. Biyong Garing, pangulo ng AGMA-MCI Alumni Association, Inc., sa Naujan, Oriental Mindoro, dahil gusto nilang magdagdagan ang kanilang pondo para sa kanilang gagawin proyekto para sa kanilang eskuelahan.
Naisip ni Biyong kasama ang mga AGMA alumni na magpa-concert sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, sa November 20, 2015, Friday, 8:00 PM.
Ang concert dubbed as ‘SKETCHES OF JAMES,’ featuring the songs of James Taylor, will be performed by Atty. Bong Baybay, Mon Espia, Jimmy Bondoc, Paolo Santos at Noel Cabangon backup by Electric Tuesday Band.
Ang proceeds nito ay gagamitin karagdagan sa ipapatayong basketball covered court para magamit ng mga present at future tense este students pala ng Agustin Gutierrez Memorial Academy (AGMA) na dating Mindoro Central Institute (MCI).
Umaasa si Kuyang Biyong sa paghilik este mali pagtangkilik pala sa concert na ito mula sa mga alumni AGMA-MCI, sa mga kababayang taga - Mindoro, sa mga brethren sa Freemasonry, mga kaibigan at mga kamag-anak.
Congrats Kuyang Biyong for a noble purpose.
Good luck ang pagbati ng Chief Kuwago sa mabuti mong hangarin.
God Bless!
Abangan.