^

PSN Opinyon

Gasgas na Mindanao tren

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Heto, at election na naman kaya di na nakapagtataka at binibida na naman ng mga pulitiko ang sinasabing Mindanao railway system na nais nilang ipatayo rito sa katimugan.

Ang walang kamatayang Mindanao tren ay nabubuhay lamang tuwing halalan. Naging kaugalian na ng mga pulitiko ang sinasabi nilang nais nilang magkaroon nga ng Mindanao railway system tuwing sila ay nangangampanya dito sa katimugan.

Kaya gasgas na ang Mindanao tren bago man lang ito magkatotoo. Gasgas na sa walang sawang pambobola ng mga pulitiko bago man lang ito umandar.

Kaya nang iprenisenta ni Senator Allan Peter Cayetano ang ukol sa Mindanao railway noong siya ay pumunta rito sa Davao City noong nakaraang Lunes, tumaas na naman kilay ko at heto na naman ang isa pang manggagamit sa isyu ng Mindanao railway.

Huwag nyo namang masyadong bilugin ang ulo ng mga Mindanaoan sa pamamagitan ng tren na ‘yan.

Kasi kung totoo talaga kayong mga pulitiko  sa mga pinangako ninyo eh di dapat ay matagal nang nagawa ang sinasabi ninyong Mindanao tren. Kaso ilang dekada na ang dumaan at hindi pa rin nasimulan kahit man lang sa drawing board ang minimithing Mindanao railway.

Kung nasa puwesto na ang mga pulitikong eto nakakalimutan agad ang kanilang mga pangako kaya heto  na naman ang Mindanao tren na gasgas na bago man lang napapaandar.

vuukle comment

ANG

DAVAO CITY

GASGAS

HETO

HUWAG

KASI

KASO

KAYA

MGA

MINDANAO

SENATOR ALLAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with