HINDI na balita ang kapalpakan nangyayari sa Metro Rail Transit 3 last Thursday dahil halos everyday ang holidays na ginawa si Lord may barberya este mali aberya pala nangyayari kaya wala nang bago sa usaping ito.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sagot - siempre!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang ang MRT 3 ang palpak kundi maging ang mga ahensiya sa ilalim ng DOTC tulad ng LTFRB, LTO at MIAA?
Naku ha
Totoo kaya ito?
‘Sa araw - araw na ginawa ni Lord puro pasensiya na lamang ang nangyayari sa madlang riders ng MRT 3 dahil sa kapalpakan nangyayari.’ sabi ng kuwagong banas na banas na.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gumagawa daw ng paraan ang pamunuan ng DOTC sa nangyayaring kapalpakan at aberya ng MRT 3 para magamot ang sakit ng loob nang mga riding public todits dahil sa kabayong este mali kalbaryo palang nararanasan nila.
‘Aminado naman si DOTC Secretary Jun Abaya na palpak talaga ang MRT 3 kaya naman gusto niyang humingi ng paumanhin sa madlang people dahil malapit na daw ang eleksyon esta mali dumating pala ang mga bagong bagon na inorder sa China, na bumu-bully at umangkin nang kayamanan sa madlang pinoy sa West Philippine Sea.’ sabi ng kuwagong makapili ng Hapon.
Ika nga, bakit sa China pa?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hangga’t hindi pa dumarating ang mga bagong bagon magtiis - tiis muna ang madlang riders sa mga kapalpakan nangyayari. Hehehe!
Sabi nga, haba ng pila at patirik-tirik!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa praise release ng DOTC ay unti-unti na na daw naaayos ang mga windang na elevator at escalator sa MRT 3 na malamang magamit na daw ng mga senior citizens at
Person With Disabilities.
Tanong - kailan kaya magagamit ito?
Sagot - iyan ang wala pang linaw kung kailan. Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, basta ang importante ay ang mahalaga na may ginawang aksyon kahit huli ang mga opisyal dyan sa DOTC.
‘Kung kailan mangyayari ang isang pangarap iyan ang hintayin ng madlang pinoy.’ sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.
Sabi nga, kung may problema dapat solusyunan!
Tanong - kailan?
Sagot - pagkatapos ng eleksyon? Hehehe!
Abangan.
Si ABONO party list Rep. Estrella 111
UMANGAL si ABONO party-list Rep. Conrado Estrella 111, dahil mariin nitong pinabubulaanan ang mga alegasyon na may anomalya siya sa pagpapatupad ng kanyang PDAF projects.
Sinabi ni Estrella, dapat ito aniya ay responsibilidad ng ahensiya ng gobierno na nagpatupad nito.
‘The Department of Justice (DOJ)’s decision to recommend the filing of charges against us before the Office of the Ombudsman is apparently a knee-jerk reaction to opposition’s generated criticism that the DOJ is delaying the PDAF scam cases when, in fact, there is no solid evidence against us,’ birada ni Estrella 111.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kakulangan sa due process dahil ang mga whistleblowers ay ipinatawag para magbigay ng salaysay samantala kami ay dehins.
Sabi nga, may injustice todits.
Ayon kay Estrella 111, ang pagsasampa ng kaso laban sa akin ay walang maayos na basehan dahil mismo ang NBI ang nagsabing ang pirma niya ay pineke.
Ika nga, kinontra ng DOJ ang sinasabing findings ng NBI?
Ikinuento ni Estrella 111, na may whistleblower ang nagbigay ng affidavit na ang PDAF projects ay properly implemented.
Sinabi ni Estrella 111, alaws siyang staff na may pangalan Ronald Casareno.
Abangan.
CPNP Ric Marquez, read this
NABUHAY ang matagal ng namamahingan mga bagman sa NCRPO ng umupo umano ang bagong itinalagang hepe todits dahil nagkaroon ng mga biding-bidingan kung sino ang hahawak ng ‘intelihensiya’ para ipamudmod sa iba’t - ibang opisyal ng PNP sa Crame?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Cesar ‘philosophy,’ at isang alyas Wilson ‘kilala’ ang kumakana ngayon sa NCRPO at maging sa Region 4 - A. Take note, CPNP Marquez, Sir!
Birada ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit nagpapagamit diumano sa kalakaran ang isang lespiak sa NCRPO gayon hindi pa nag-iinit ang puwit nito sa kanyang trono?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
‘Kung ang ilang PNP ay ayaw lumihis sa matuwid na daan ang mga bagong opisyal naman sinusuhulan ay tuwang - tuwa para baluktutin ang daan.’ sabi ng kuwagong binukulan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Atty. Jerry Asuncion, kung tawagin ay ‘loose foot’ ang siyang ‘front’ na bagman sa Region 4 - A pero ang naka-ilalim dito ay si ‘kilala’ para hindi pumutok ang pangalan nang huli kaya naka-ilalim ito. Take note, CPNP Marquez, Sir!
Abangan.