^

PSN Opinyon

Mahirap ipatupad ang tama

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko talaga maintindihan ang ginagawa ng ilang pinuno sa gobyerno. Bakit hindi nila ipinatutupad ang mga batas na makabubuti sa mamamayan.

Ayon sa Philippine Nursing Act of 2002, ang pay level ng mga nurse sa gobyerno ay hindi bababa sa Salary Grade 15 o P25,000 monthly.

Pero alam ba ninyo kung ano ang average na suweldo ngayon ng mga nurse? P18,000 lamang isang buwan.

Ang hindi pagsunod sa batas ng mga ospital, publiko man o pribado ay pagpapatunay pa rin sa pagkagahaman ng tao sa salapi. Ang gusto nila, lalo na ang mga pribadong ospital ay tubong lugaw.

Malaki na nga ang kinikita nila dahil meron pa silang sinisingil na “admission fee” na ginawang parang estud-yante sa paaralan ang mga pasyente, ay “ginugulangan” pa ang kanilang staff, lalo na ang kanilang nurse.

Pero ang pangunahing lawbreaker sa batas na ito sa minimum na dapat tanggapin ng mga nurse ay ang Department of Budget and Management ni Sec. Butch Abad.

Ang katwiran ni Abad, hindi raw ito kaya ng gobyerno. Kahit na hindi kaya, iyan ang batas na dapat sundin. Kailangang humanap sila ng pondo. At saka hindi napakalaki ng kailangang halaga dahil hindi naman talaga napakarami ng mga nurse sa gobyerno.

Palpak pa rin ang katwiran na ito ni Abad dahil ka­pag may patatalsiking kaaway ng gobyerno na nasa puwesto, napakarami nilang budget na “ipinamimigay” pero kung para sa kapakanan ng maliliit na tao ay wala.

Anong klaseng gobyerno mayroon tayo? Talaga bang sa administrasyong ito ay mahirap itama ang mali? At mahirap ituwid ang baluktot? Ito ba ang “tuwid na daan?”

ABAD

ACIRC

ANG

ANONG

BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

HINDI

MGA

PERO

PHILIPPINE NURSING ACT

SALARY GRADE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with