^

PSN Opinyon

Mar, maaring makasuhan, anointment bawal pala

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

WOW mali! Hindi pala dapat in-anoint ni President Noynoy Aquino at ng Liberal Party officers si Mar Roxas bilang presidential standard bearer sa Halalan 2016. At hindi pala dapat tinanggap ni Roxas ang endorsements. Maari pala silang lahat makulong, at habambuhay na ibawal sa serbis­yo publiko. Ito’y ayon kay batikang election lawyer Romy Macalintal, na dapat ay kinunsulta muna nila bago sila nagtipon sa Club Filipino, Metro Manila, nu’ng Biyernes.

Ani Macalintal, namimihasa ang LP sa kawalang-ngipin ng batas kontra premature campaigning. Pero malinaw ang dalawang batas tungkol sa partisan political activities. Ito’y party conventions; pagpili, pag-anunsiyo, at pagtanggap ng kandidatura; at mga kadikit na events:

• Kung ang Halalan 2016 ay fully automated, ang iiral na batas ay Election Automation Act of 2008 (R.A. 9369). Ayon sa Section 13, maari lang ang mga naturang political activities isang buwan bago ang filing of candidacies. Batay sa automated elections nu’ng 2010 at 2013, Okt. bago mag-eleksiyon ang filing. Kaya ang political activities ay maari lang magsimula sa Set. 2015.

• Kung ang halalan ay hybrid ng automation at manual, ang iiral ay Omnibus Election Code. Batay sa Section 80, maari simulan ang political activities isang buwan bago kampanya. Ang 90-day campaign para sa Pangulo at senador ay sa Peb. 2016. Samakatuwid sa Enero pa maari pumorma sina P-Noy, Roxas, at LP officers Franklin Drilon, Florencio Abad, at acting president Joseph Abaya.

Ni wala pa ngang nilalabas ang Comelec na calendar of activities, paalala ni Macalintal. Nagpabigat ito sa pagkakasala ng mga apuradong LP. Bakit nga ba hindi sila pinayuhan nang mabuti ni Justice Sec. Leila de Lima, na dati namang election lawyer tulad ni Macalintal?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ACIRC

ACTIVITIES

ANG

ANI MACALINTAL

BAGO

BATAY

HALALAN

ITO

MAARI

MACALINTAL

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with