^

PSN Opinyon

Defense mechanism

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

KUNG ikaw ay Presidente ng bansa, dapat ay malawak ang iyong pang-unawa. Hindi mo dapat ituring na kaaway ang oposisyon, dapat ay ituring mo silang kritiko upang makita ang iyong pagkukulang at pagkakamali. Dahil sila lamang ang maaaring magsabi ng katotohanan.

Kailanman, hindi ka pupunahin ng iyong mga tauhan dahil kilalang-kilala ka nila sa pagiging tactless at short tempered. At saka, sa gobyerno kung gusto mong magtagal sa puwesto, kailangang sumipsip ka at lunukin ang iyong pride.

Pero ang isang hindi maganda na maaaring gawin ng isang Presidente ay ang pagiging benggador. Tuwing SONA, lagi na lamang niyang sinisisi si dating President GMA. Ipinakulong na niya’t lahat, maysakit na ‘yung tao bakit patuloy pa rin niyang sinisiraan. At saka kung husgahan niya ang dating Presidente ay guilty na ito sa lahat ng kanyang mga bintang. Sa court of law, ang isang akusado ay itinuturing na inosente hanggang hindi napatutunayan beyond reasonable doubt ang mga bintang laban sa kanya.

Nag-resign ako bilang chairman ng National Labor Relations Commission dahil sa prinsipyo. Kung ilang ulit kong kinondena ang administrasyon ni GMA ngunit mula nang siya ay ipakulong at igupo ng karamdaman, awa ang aking nadama sa kanya. Kung sa boksing, hindi na sinusuntok ang bumagsak na kalaban, ganyan din dapat ang mamayani sa batas ng buhay.

At ang isang tunay na gentleman ay hindi na ginugutay-gutay pa ang kanyang kalaban dahil bagsak na ito at hindi na makabangon sa hirap.

Hindi lamang ako ang pumupuna sa pagiging benggador ng Presidente. Halos lahat ng aking makausap, mula sa mga elitistang propesyunal hanggang sa karaniwang kababayang salat sa pinag-aralan ay hindi kumporme sa walang katapusang paninira ng Presidente sa kanyang pinalitan.

Marami tuloy ang nagsasabi na kaya niya ginawa iyon ay para pagtakpan ang pagkukulang ng kanyang administrasyon na ipagkaloob ang basic services sa masa at lalo siyang bigo na pagandahin ang buhay ng milyun-milyong hikahos na kababayan.

In short, kaya niya ginagawang punching bag si GMA dahil ginagamit niya itong defense mechanism sa lahat ng pagkukulang ng kanyang administrasyon. Napaka-pathetic.

ANG

DAHIL

HINDI

IPINAKULONG

KAILANMAN

KANYANG

MARAMI

NAPAKA

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

PERO

TUWING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with