^

PSN Opinyon

“Pinulutan(?)”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7104038

 

‘Ginutay-gutay sa text?’

KAPAG ANG TAO AY MAY UTANG  sa inyo, hindi kayo binibigyan ng karapatan na lait-laitin at gawin ang anumang gusto ninyo para magbayad agad.

“Hindi nasunod ang kontrata kaya ako umalis. Kung anu-anong masasakit na salita na ang sinabi nila,” ayon kay Diana.

Habang nagbabasa ng pahayagan si Diana Pacis ay may nakita siyang naghahanap ng cook ang ahensiyang RCJ Agency Domhelp Services. Nakipag-usap siya sa mga ito at ipinaalam sa kanya ang kinaroroonan ng ahensiya sa West Kamias, Quezon City.

“Sinundo ako ni Ms. Marinet sa Cubao. Hulyo 13, 2015 nagpunta kami sa ahensiya. Pumirma ako ng kontrata,” kwento ni Diana.

‘Cook’ ang nakasaad sa kontrata ni Diana. Sinundo siya ng kanyang employer na nakilala niya sa pangalang Mrs. Dee. Ang sabi raw sa kanya ni Ms. Marinet at magiging tagapagluto lang siya. May tatlong aso at tatlong tao ang kailangan niyang asikasuhin sa bahay.

“Pagdating ko naging tagapag-alaga ako ng labing isang aso. Lahat ng gawain sa akin din nakaatang. Hindi ko kinaya kaya nagpasya na akong umalis kinabukasan,” salaysay ni Diana.

Maayos niyang kinausap ang kanyang employer at nagdahilan na lang na kailangan siya ng kanyang ama. Pinaiwan ng ahensiya ang ilan niyang gamit na kasalukuyang hawak ng RCJ Domhelp.

Pati ang kanyang cellphone ay pinapaiwan sa kanya ngunit hindi siya pumayag. Hinatid siya ng kanyang amo sa Fisher Mall at binigyan pa ng pamasahe. Hindi siya nangako rito na makakabalik pa siya sa pagtatrabaho.

Kinabukasan ika-15 ng Hulyo 2015 may nag-text sa kanya. ‘blacklisted. Wanted ka’.

“Tinanong ko kung sino ang nag-text sa ‘kin sagot niya oo black listed na raw ako. Bakit ako maba-blackkist nag-usap naman kami ng maayos ng employer ko. Kapag hindi ako nakabalik magbabayad ako ng penalty na Php1,500,” salaysay ni Diana.

Sinagot siya nito na magbayad daw siya ng penalty. Tinawag pa siyang sinungaling at ungas. Kapag di raw nakapagbayad si Diana ay alam na niya ang gagawin nito. May profile raw siya sa ahensiya.

Upang maayos ang usapan nila ng employer nagsadya siya sa bahay nito upang sabihin na hindi na siya magtatrabaho dito ngunit hindi niya nakausap si Mrs. Dee at pinapunta na lang sa ahensiya.

“Nagkasagutan si Tita Estella at si Ms. Marinet kasama si Jen Nequinto na pumirma sa kontrata bilang saksi,” ayon kay Diana.

Pinagawa raw siya ng sulat na nagsasabing nangangako siyang magbayad ng kalahati ng employer fee na Php2,500 bago maibalik sa kanya ang mga ‘requirements’ niya. Natapos sa kasunduang ito ang pag-uusap.

Pagdating ng Hulyo 20, 2015 may natanggap na mensahe si Diana mula sa ajensiya. “Di ka na nagparamdam sa obligasyon at danyos na ginawa mo. Kapag hindi ka nagparamdam hanggang hapon pasensiyahan na lang,” text umani ni Ms. Marinet.

Sumagot si Diana na wala naman siyang ibinigay na palugit kung kailan magbabayad at dumidiskarte pa siya para mabuo ang pambayad.

“Sinabihan ko siya na huwag niya akong piliting gumawa ng mga bagay na ikababagsak nila,” sabi ni Diana.

“G@ga, gawim mo kung anong kaya mong gawin lets3 ka. Ikaw na gumawa ng kaga6u7@n mo. Magsumbong ka kahit saan o kanino ungas!” sagot umano sa kanya.

Nasaktan sa nabasa si Diana kaya naman hinamon niya itong hanapin ang kanyang pangalan upang makilala siya ni Marinet. Sabi pa umano sa kanya ni Ms. Marinet wanted na raw siya kahit sa National Bureau of Investigation (NBI). Pinili ng huwag sumagot ni Diana.

“Magnanakaw ka siguro,” muli na namang text nito. Nagkaroon na naman sila ng sagutan sa text.

“Kawawa naman daw ako. Ni-rape pa raw ako ng tatay ko. Kawawa raw akong babae dahil wanted pa ako,” ayon kay Diana.

Sinabi umano yun ng kanyang employer na ni-rape siya ng kanyang ama. Dinugtungan pa umano nito ‘baka talagang pokpok ka’.

“Sinabihan ko siya na naabot niya na ang hangganan kaya magkita na lang kami sa susunod kong hakbang,” pahayag ni Diana.

“Ungas ikaw ang maghintay dahil ‘yang mukha mong pangit wanted na yan sa lahat ng agency. Haha kawawa ka naman sinungaling ka pati tatay mo ni-rape ka. Sinungaling, pokpok,” sagot daw sa kanya.

Sanhi ng palitan nila ng ganitong usapan nagpasya si Diana na magtungo sa opisina ng RCJ Domhelp upang humingi ng kopya ng kanyang ibinigay na sulat upang ipakita sa kapatid na nagtatrabaho sa Dubai.

Sa halip na bigyan sila ay pinagdiinan umano ng mga ito na hindi sila magbibigay ng kopya hangga’t wala siyang Php2,500. Lihim na kinuhanan ng video ni Diana ang kanilang pag-uusap.

“Sabi ni Ms. Marinet na kung hindi pa raw ako ite-text ng ganun di ako magpaparamdam. Nagkaroon ng pagtatalo. Dun ko na naisipan na humingi ng tulong sa tiyuhin kong si Vic Sandig,” sabi ni Diana.

Tinext niya rin ang kanyang employer ngunit ayon dito wala raw siyang kinalaman sa kung anumang problema nila ng ahensiya. Ang hinahabol niya lamang sa RCJ Domhelp ay ang kapalit ni Diana.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung totoo ang lahat ng ikinuwento sa amin ni Diana hindi naman siya dapat tinakot ng ganito ng ahensiya. Kung iisipin mo ang ahensiya ang kumikita sa kanila kapag naipasok na sa isang trabaho. Magbabayad ang mga employer sa ahensiya para makakuha ng trabahador. May ilan pa nga na kumukurot pa sila sa sahod ng bayad naipasok na tao.

Kung hindi tumupad si Diana may mga tamang hakbang naman silang maaaring gawin. Ang pagtawag ay Diana na ‘pokpok’ at magnanakaw ay isang uri ng paninirang puri. Kung wala silang ebidensiyang magpapatibay ng kanilang alegasyon di dapat sila nagbibitiw ng ganitong salita.

Kung ganito ang namamahala sa mga ahensiya gugustuhin pa kaya ng mga tao ang mag-apply sa kanila? Hindi ba dapat nakipag-usap na lang ng maayos ang kampo ng RCJ Domhelp kay Diana?

Para naman sa panig ng ahensiyang ito bukas ang aming pitak upang mailahad naman ang kanilang bersiyon ng istoryang ito.

PARA MATULUNGAN si Diana, tinawagan namin si Superintendent Ivy Castillo ng Anti Cyber Crime Division ng Criminal Investigation at Detection Group para tingnan ang mga text messages at i-endorso ang kaso niya sa Prosecutor’s Office.

Kapag ang isang aplikante ay nagkaroon ng utang sa inyo, hindi ninyo maaring pigilan ang mga dokumentong sa kanya ibinigay. Maari kayong makasuhan yan.

Sampahan ninyo ng ‘collection of sum of money’ at kolekthin ninyo ang utang sa inyo subalit ibalik ninyo muna ang kanyang ‘public documents’.

Sa huling salita, hindi maaring maglabas ng ‘warrant of arrest’ ang NBI. Judge lamang ang may kapangyarihan nitong gawin.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

AKO

ALIGN

ANG

DIANA

HINDI

LEFT

MS. MARINET

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with