^

PSN Opinyon

‘Binahang bahay ng pag-ibig’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MAY PANAHON na dumarating ang swerte na akala mo na yun na, yung pala umpisa lamang at may kasunod pa.

Magkaiba man ng kultura at lahi sina Jimmy Kim at Kring Elen­zano Kim ay nakahanap pa rin ng pagkakataon para sila’y magtagpo.

“Mahilig na ako sa Korean Pop Music noon pa man. Aktibo ako sa mga events na ang idolo nila ay mga singer na Koreano,” ayon kay Kring.

Nag-organisa siya ng isang K-pop event at dun niya nakilala ang Koreanong si Jimmy na naging ‘photographer’.

Nagkita-kita silang mga mahihilig sa artistang Koreano. Minsan may mga nagko-concert dito ngunit kalimitan ay sa ibang lugar.

Sila ang nagsisilbing tagapagbigay alam sa kapwa mahihilig sa K-Pop sa mga event na may kinalaman sa Korean Music.

“Minsan nababayaran ako sa pagiging photographer pero minsan hindi. Talagang naging hilig ko lang,” sabi ni Jimmy.

Halos siyam na taon na si Jimmy dito sa Pilipinas dahil dito siya nag-aral ng kolehiyo. Natuto na siyang magsalita ng Tagalog at natutunan niya ang kultura ng mga Pinoy.

Dahil sa naging pagkikita nila sa isang K-Pop Event naging magkarelasyon sila noong Abril 2010.

Marami silang pinagdaanan dahil na rin sa magkaibang kultura.

“May spice din sa naging relasyon namin. Sanay ako na puro Pilipino ang kasama ko. Dahil foreigner siya, araw-araw may bago akong natututunan,” salaysay ni Kring.

Malakas ang personalidad ni Kring kaya’t kahit daw hindi siya naiintindihan ni Jimmy ay natutuwa pa rin ito sa kanya.

Maingay man siya, magaslaw minsan o kung anuman ang sabihin niya ay gusto pa rin siya ni Jimmy.

“Bilang Koreano syempre gusto ng pamilya ko makapa­ngasawa ako ng Koreana. Konserbatibo kasi ang mga Koreano. Yung magulang ko parang ayos naman sa kanila na Pilipina ang karelasyon ko. Dinala ko si Kring sa Korea,” kwento ni Jimmy.

Nung makita ng pamilya ni Jimmy si Kring nagustuhan naman nila ito at sinabing si Jimmy na ang bahala kung gusto niya nang magpakasal.

Hindi nahirapan si Kring na kunin ang loob ng pamilya ni Jimmy. Ito pa nga ang gumawa ng paraan para patunayan ang sarili sa pamilya ni Kring. Ayon sa mga ito mas maganda raw na Pinoy din ang kanyang mapangasawa para hindi siya mahirapan.

Habang dumadaan ang panahon napagpasyahan ng dalawa na magpakasal na. Hunyo nang mapagpasyahan nilang sa Korea ganapin ang kanilang kasal.

“Nagkaroon ng MERS scare nun kaya hindi tumuloy ang pamilya ko pati yung mga bisita ko galing dito sa Pilipinas. Swerte ako dahil sa sitwasyon kong immigrant wife. Iniisip ko kasing pagsilbihan sila pero walang ganung nangyari,” salaysay ni Kring.

Tanggap daw siya ng pamilya ni Jimmy at parang prinsesa pa siya kung ituring.

Nagkaroon ng isang TV Reality Show para sa magkakapareha na gusto nang magpakasal. Sumali sina Jimmy doon. Ang kondis­yon titira sila sa isang village sa Lancaster New City sa General Trias, Cavite na gawa ng Property Company of Friends Inc. (PROFRIENDS).

Magsisimula sila sa siyam na pares. May mga pagdadaanan silang mga pagsubok na titimbang sa tatag ng kanilang relasyon. Bawat linggo may isang pares ang matatanggal.

Ang mananalo dito ay makakatanggap ng isang milyon, store franchise, engradeng kasal at bahay at lupa sa Lancaster New City.

May mga ‘Life Coach’ na naroon at ‘Marriage Advisor’ na tumutulong sa kanilang paghandaan ang buhay may asawa.

“Akala ko handa na kaming magpakasal nung pumasok kami sa village, hindi pa pala,” ayon kay Jimmy.

Napag-isip ng dalawa na hindi basta-basta ang pagpapakasal. May mga kailangan pang pagdaanan ang bawat pareha upang mas matimbang kung gaano na nga ba sila katatag bilang magkarelasyon.

Isa sa mabigat na kailangan malampasan ni Jimmy ay ang mu­ling makita ang kanyang ina. Halos labing isang taon niyang hindi nakasama ang ina dahil naghiwalay sila ng kanyang ama. Nalaman ito ng mga namamahala ng reality show. Tinulungan siya ng mga tao doon upang malampasan niya ang problemang ito.

“Isa sa mga pagsubok na pinagdaanan namin yung maging chamber maid ako habang si Jimmy ay kailangang kumbinsihin ang mga kostumer na bumili ng bahay at lupa,” pahayag ni Kring.

Hindi sila nakakalabas sa village ngunit sa tatlong buwan nilang pananatili doon ay nagustuhan na nila ang komunidad.

Sa dulo ng Reality Show na sinalihan sina Kring at Jimmy ang nanalo at nakapagkamit ng lahat ng premyo kasama na ang bahay at lupa mula sa Pro-friends.

“Pagkatapos ng buhay namin sa village nagpunta kami ni Kring sa Korea. Nakita ko ulit ang mama ko makalipas ang labing isang taon,” ayon kay Jimmy.

Sa panig naman kay Kring nakatulong sa kanya ang pagtira sa village dahil mas nakapagdesisyonan niya na mas tutukan ang kanilang negosyo. Mas naunawaan niya din kung ano ang kahalagahan ng pinansiyal na seguridad. Ito ay upang paghandaan ang pagiging buhay may asawa.

Ikinasal ang dalawa noong Nobyembre 2014.

Nakatakda na silang lumipat sa mga susunod na linggo sa bahay na napanalunan sa Lancaster New City.             

“Isasama ko na ang papa ko para sa mga gusto kong baguhin na maliliit na bagay bago kami lumipat ni Jimmy,” wika ni Kring.

Nagustuhan din daw nila ang komunidad dito dahil pakiramdam nila ay ligtas sila. Tahimik din sa lugar at parang ekslusibo ito.

Ayon pa sa mag-asawa abot-kamay ang mga bahay doon at kompleto na sa mga hahanapin ng mga bagong kasal.

Hindi din sila nangangamba sa seguridad dahil naramdaman na nilang ligtas sila kahit nung kasali pa sila sa isang reality show.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

ACIRC

ANG

HINDI

JIMMY

KOREANO

KRING

LANCASTER NEW CITY

MGA

NBSP

SILA

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with