TINATAWAGAN ng pansin ni Atty. Biyong Garing, dating pangulo ng FEU Law Alumni Association, former DDGM ng Masonic District NCR - E, at kasalukuyan hepe ng Registry of Deeds ng Muntinlupa City, ang lahat ng maysapi este mali kasapi pala ng Agustin Gutierrez Memorial Academy o ‘amag’ mali AGMA pala Batch 1974 para dumalo sa kanilang alumni homecoming sa April 04, 2015, Black Saturday, AGMA Grounds, Naujan, Oriental Mindoro.
Sabi ni Atty. Garing, sa mga hindi makakarating sa okasyon malaking bagay ang pang-iisnab na gagawin ninyo samantala para sa mga darating na bisita kung hindi man kayo mawawalan tiyak hindi rin kayo magkakaroon. Hehehe!
‘Alam naman ninyo si Biyong, bilang pangulo, napakagalante nito pagdating sa tsibugan dahil grabe as in matindi ang pagkain ihahain pagdating ng fellowship ninyo at maraming mga surprise number ang makikita ninyo.
Sabi nga, tignan at abangan!
Diborsiyo gawing batas
MALABO pa sa burak para maging batas sa Philippines my Philippines ang mga pinalilipad na isyu regarding sa ‘divorce.’
Bakit?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang number one na makakalaban kasi rito ng madlang Pinoy na may gusto ng diborsiyo ay ang Simbahang Katolika.
Ika nga, 100 % ito!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang diborsiyo ay taliwas sa itinutulak ng Philippines my Philippines Constitution na protektahan ang family at ang mga bata.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Philippines my Philippines na lamang sa buong mundo ang alaws divorce law halos lahat ng bansa ay mayroon na.
‘Paano ngayon kung talagang hindi na magkaayusan ang dalawang mag-asawa dapat ba ay magbugbugan na lamang?’ tanong ng kuwagong may black eye.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga Catholic priest ay walang mga asawa dahil bawal sa kanila ito kaya wala silang experience para maramdaman ang nararamdaman ng mga aswang este mali mag-asawang hindi na magkasundo, away ng away at hindi na rin umuuwi sa kanilang pamilya.
“May tama at mali rin, ang may gusto sa divorce at may ayaw dito kaya dapat itong pag-aralan mabuti kaya lang kung ang ilang politiko ang tatanungin tungkol dito tiyak may mga kokontra.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Abangan.
Winter influenza virus
FULL force sa pagbabantay ang mga tauhan ng Bureau of Quarantine sa mga international terminal dyan sa NAIA, para tiktikan ang mga arriving international passenger partikular from Hongkong at China dahil may ulat na uso ang sakit sa kanila na kung tawagin ay ‘winter influenza virus.’
Sabi nga, H3N2 at H1N1!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon buwan lamang ay nadagdagan ng 8 ang natigok sa Hongkong dahil sa pinag-uusapan natin sakit sa itaas.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mula noong Enero may 558 madlang people ang nagkasakit ng winter influenza at sa bilang na ito may 419 lang naman ang sinasabing namatay.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Noong 2014, may 266 kaso ang naitalang nagkasakit mula sa numerong ito 133 ang natigok.
Sabi nga, nakakatakot!
‘Kaya naman mahigpit ang ginagawang monitoring sa ‘worst airport’ este mga international terminal pala partikular ang galing Hongkong at China.’ sabi ng kuwagong patanga-tanga.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other week, ala-Mamasapano massacre ang ginawa ng Bureau of Plant and Animal Industry sa may 44 Homer racing pegions ang minasaker bukod dito may direktiba rin na bawal o ban muna ang importasyon ng plants at poulty. meat products from China at Hongkong dahil sa pangambang pagkalat ng deadly disease.
Ika nga, hindi biro ito!
Abangan.