^

PSN Opinyon

LTO SM North branch

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGULAT ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng mapagawi sa SM North branch para magrenew ng driver’s license rito.

Bakit ?

Sagot - malinis ang lugar, mabango, malamig ang opisina, magagalang ang LTO employees todits, mabilis at ang ma­tindi sa lahat walang mga fixer na manggugulo sa naghihintay dito para ma-renew ang kanilang mga lisensiya.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala pang 20 minutos ayos na ang driver’s license mo.

Kaya nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, kina Jenny Perez, bossing ng Land Transportation Office Licensing Renewal, mga tauhan niyang sina Bobot Vidal, Delia Valdez, Katherine Gaddi, taga - kodak at Leonora Tindoc.

Sabi nga, keep up the good work!

LTO asan ang plaka sa P450?

SINUPALPAL ng PISTON si DOTC Secretary Jun Abaya nang sabihin nang huli na alaws na raw bakla este mali backlog pala ang LTO sa mga plaka ng sasakyan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng makausap si Piston President Goerge San Mateo , binobola lamang diumano ni pabaya este mali Abaya pala ang publiko gayon kita naman na sangkaterbang mga sasakyan ang nasa kalye ay wala pa ring mga plaka.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binabatikos nila ang istilong pakulo ng LTO dahil pinagbabayad agad ng mga ito ang mga sasakyan magre-renew ng mga plaka pero sinisingil nila agad ang mga ito P450.00, ang masama maghihintay pa ang owner ng 45 days bago makuha ang bagong plaka na pinabayaran agad.

Naku ha!

Bakit ganito?

‘Dapat pag nagbayad ng P450.00 para sa bagong plaka pag-alis mo ng LTO office dapat bitbit mo na ito para maikabit sa sasakyan.’ sabi ng kuwagong niloloko.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mainam kung mismo si Abaya ang iikot sa mga kalsada para tignan kung may mga sasakyan walang plaka bago nito ibida sa madlang public na walang backlog sa car plates.

‘Dahil kung mismong siya ang iikot sa mga kalsada, tiyak mapapahiya siya sa mga sinasabi niya.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinatanong ni San Mateo si Abaya kung bakit pinayagan ang LTO na kumuha ng pribadong kumpanya na siyang gagawa ng car plates at hindi na lamang inayos ang sariling plate making plant ng ahensiya para hindi na madagdagan pa ang gastusin ng mga motorista.

Sabi nga,  libre noon ang iniisyung plaka ng LTO sa mga car owners dahil sa operasyon ng sariling plate making plant ng LTO.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinondena ni  Bong Suntay, Pangulo ng  Philippine National Taxi Operators Association, ang LTO dahil ilang buwan na ang nakaraaan matapos ma-renew ang rehistro ng mga sasakyan ay wala pa rin ang kanilang mga plaka na pinabayaran agad ng P450.00 sa ahensiya.

Bakit ganito?

Abangan.

Sekyu may baril habang nagta-trapik

HINDI binibigyan ng pansin ng mga tauhan ng Philippine National Police ang mga security guard na naka-sukbit ang service boga sa kanilang baywang kapag nagta-trapik itosa kalsada.

Sabi nga, bawal ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puedeng dalhin ng sekyu ang kanyang service boga sa kalye dahil may directive rito na dapat iwan nila ang baril sa kanilang supervisor o sa kasamahan guardya sibil oras nasa kalye sila.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’

Abangan.

ABAYA

AYON

BAKIT

KUWAGO

LTO

MISMO

PLAKA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with