^

PSN Opinyon

Dedikasyon

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG epektibo ang Oplan “Lambat-Sibat” ni Acting PNP chief Leonardo “ Dindo” Espina sa Metro Manila, mantakin n’yo mga suki, bumaba ng 25 percent ang krimen sa mga lansangan, hehehe! Halos hindi makapaniwala itong aking mga bisitang French journalist ng France Television (TV2) na sina Gregoire Deniau, Guillaume Martin at Rikki Alvarez nang ilibot ko sa mga Operation Unit ng MPD  at makitang bakante ang mga kulungan. Ang masakit nga lang nasaksihan naman nila  kung ano ang aking trabaho nang maisama ko sila sa isang shooting incident na kung saan pinagbabaril ng isang drayber ang nakaalitan nitong drayber ng magkagitgitan sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extention, Bgy. Ugong, Valenzuela City noong Sabado ng gabi. Pinatunayan ito ng PNP Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM), dati-rati kasi umaabot sa 405 kada linggo ang naitatalang krimen sa Metro Manila, nangunguna rito ang Manila Police District kasunod ang Quezon City Police District subalit ngayon naitatala na lamang sa 310.

Patunay ito na may dedikasyon si Espina na maipadama sa taga-Metro Manila ang tunay na serbisyo ng pulisya, ngunit hindi pa dapat maging kampante si Espina dahil ang mga kriminal ay kumukuha lamang ng buwelo o tiyempo sa pagkalingat ng mga pulis sa kalye. Kaya ang payo ko kay Espina ay pag-ibayuhin pa ang paghambalos sa mga tatamad-tamad na opisyales ng pulisya. Dagdagan mo pa General Espina ang pangil ng iyong mga tauhan sa paghabol sa drug lords, pushers at users sa Baseco, Port Area, Parola, Vitas at Herbosa Tondo, Quiapo at Sta Cruz, Sampaloc, Kahilum sa Pandacan, San Andres Bukid sa Sta Ana at Singalong at Malate ng Maynila. Sa Quezon City naman ay itong Barangay Galas at Gulod, Retiro at La Loma, Luzon at Tandang Sora, Payatas A and B, Regalado, Novaliches at West Crame dahil dito talamak ang bentahan ng droga na pinagkukutaan din ng mga hired killer. Hindi ito maipagkakaila nina MPD Director C/Supt. Rolando Nana at QCPD Dir. Joel Pagdilao dahil halos araw-araw at gabi-gabi ay may patayan at holdapan sa naturang lugar.

Samantala kung nagkukumahog man ngayon si Espina sa paghahabol sa mga kriminal sa kalakhang Maynila aba’y kabalintunaan naman pala  sa kanayunan.  Ayon kasi sa mga bulung-bungan ng aking mga espiya sa Laguna, mula nang alisin sa puwesto si dating Governor ER Ejercito naging talamak at lantaran  na naman ang jueteng at sugal lupa. Ang masakit mga aktibong pulis at retiradong pulis pa ang financers. Tumatabo raw ngayon ng limpak-limpak na datung ang Provincial Director na si S/Supt. Florendo Saligao mula sa operasyon ng sugal nina PO2 Osell Caratian ng Base Police, PO1 Geron Aries ng Calamba City; PO2 John Morris Alicbusan at PO3 Hermogenes Tapanco ng Sta Rosa; PO2 Anthony Barreto ng Sta Maria; Retired Supt. Ramon Ramirez ng San Pedro; Ret. PO2 Jerry Crisostomo at Ret. Chief Insp. Francisco Barcala ng Los Baños. Ang masakit laganap ang bentahan ng droga  patayan at kawatan,  namamayagpag dahil ang pinagkakabalahan ng mga pulis ni Saligao ay ang pangongolekta sa intelihensiya sa nabanggit kong mga jueteng lords at pergalan.  General Espina, ilan lamang iyan sa mga problema na dapat mong kaharapin dahil dito nakasalalay ang kredibilidad mo sa puwesto. Abangan!

ANTHONY BARRETO

BARANGAY GALAS

BASE POLICE

CALAMBA CITY

CHIEF INSP

ESPINA

GENERAL ESPINA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with