44 na nawala
Malungkot ang naulila ng ama at ina
Lalo’t mga anak sa kanila umaasa;
Ang magulang pagnawala sa pamilya
Ang pamilya’y mawawasak maglalaho ang ligaya!
Malungkot ang doctor kung walang nurses
Na sa kanya’y aalalay sa gawaing paglilinis
At paggamot sa sakit na tinitiis
Ng mga nagkakasakit.
Malungkot ang lider kung walang tauhan
Lumalaban siyang bulag sa labanan;
Ang kakampi niya ay hangin at ulan
Kaya bawat putok ay tinatamaan!
Malungkot ang pangulo na takot sa tao
Kaya pag may gyera ay patakbo-takbo;
Kaya sa Mindanao kahit kaunting gulo
Tumatakbo siya sa mga sundalo!
Malungkot ang puno kung ito’y mababa
At kung itong puno ay iba ang kulo;
At dapat ang puno tapat sa pangako
Hindi nagbabago sa sumpa at suyo!
Malungkot ang puno kung tapat sa gawain
Hindi nag-iiba sa kaniyang tungkulin
Kung siya ay tapat hanggang sa malibing
Kung siya ay tapat walang pagmamalinis!
Malungkot ang puno kung ang mga sanga
Matagal nang bansot ayaw nang mamunga;
Kung ang kanyang ugat ay bulok na
Iba na ang gagawin malakas pa!
Malungkot ang puno ngayong iba na nag misyon
Ngayong kanyang anak iba na ang layon;
Ito’y nagbago nang kanyang ambisyon
Mga kawal na 44 ay nabaon!
- Latest