Pusong mamon
ANG mga kapitalistang suwitik na hindi nagpapasahod nang naaayon sa batas ay may pusong bato.
Ang mga negosyanteng nagpapasuweldo nang naayon sa batas at nagkakaloob pa nang maraming pakinabang sa kanilang workers ay may pusong mamon.
May dagdag na P15 kada araw ang suweldo ng ordinary wage earner sa NCR, kaya ang dating sahod na P466 isang araw ay magiging P481 na.
Ngunit nagrereklamo pa rin ang mga worker. Napakaliit daw ng dagdag. Tunay na napakaliit ngunit ito lamang ang kayang ibigay ng mga negosyanteng hindi naman kalakihan ang tubo.
May solusyon sa problemang ito. Sa mga bilyones ang tubo sa isang taon, bakit hindi bigyan ng free lunch (halagang P50) ang inyong workers.
At dahil patuloy kayong pinasisikat ng “Forbes” magazine bilang richest Pilipino, bigyan na rin ninyo ng bigas (halagang P2,000 isang kaban) ang mga tauhan. Ginawa ito noon ng San Miguel Corporation at Philippine Airlines noong ang orig na may-ari ay si Col. Andres Soriano.
Dapat magkaroon ng pusong mamon ang mga may-ari ng mauunlad na negosyo para masaya ang lahat. Kapag kuntento ang isang worker, lalo siyang magiging masipag at productive sa trabaho.
* * *
Pusong mamon din kaya binabati ko si Kumpanyera Atty. Elsa Benito-Yoshimoto, pangulo ng Zonta Club Las Piñas dahil sa ginagawang paglilingkod ng kanyang samahan sa ating mga kababayan.
Kamakailan, nagsagawa sila ng seminar workshop sa Las Piñas East National High School na ang tema ay “No to teen pregnancy and no to early marriage”.
Guest speakers sina Fr. Ian Gabinete, DSWD officer Nora Guevarra at Dr. Enrile Padilla.
Pinasasalamatan ng Zonta sina Grace Laxa at April Engalla ng Maynilad sa ipinagkaloob nilang libreng inumin.
Ang iba pang Zonta club members na naging abala ay sina Mary Ann Soriano, Susan Blanco, Carol Balotro, Nitz Villafuerte, Fina Parilla at Ched Rayos.
- Latest