^

PSN Opinyon

MPD: Mabaho!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NABOLA nga ba ng sinibak na SAF commander Dir. Getulio Napeñas si Pres. Noynoy Aquino nang isagawa ang Operation Exodus? Ito ang usap-usapan ngayon sa bakuran ng Manila Police District headquarters. Kasi nga labis ang pagkadismaya ng mga pulis sa naging tugon ni P-Noy ng puntiryahin ng  sisi si Napeñas sa sinapit ng 44 police commandos sa Mamasapano noong Enero 25. Lumabas ang kanilang reaction matapos tukuyin ni Sen. Grace Poe na may pananagutan si P-Noy ngunit hindi napapanahon na makasuhan ito ngayon dahil sa kanyang immunity bilang presidente, ang masakit sa pagtatapos ng termino at pagbaba nito sa puwesto ay kakaharapin ang sangkaterbang asunto mula sa kanyang mga kritiko. Sa puntong ito, ang sinisisi ng mga kapulisan na aking mga naka-usap ay ang mga adviser  ni P-Noy kasama na rito si Purisima. Kasi nga sa unang sigwada palang sana nang dumating ang mga bangkay ng 44 SAF sa Villamor Air Base nai-advise na nito na salubungin ni P-Noy ang mga bangkay dahil siya ang taga-kalinga ng SAF. Kaya tuloy puro intriga ang sinapit ni P-Noy sa naging resulta ng Board of Inquiry. Tinumbok na may pagkukulang ito. Idagdag pa rito ang pagtitinginan nina P-Noy at resigned PNP chief Alan Purisima na naging daan upang ilihim ito kina DILG Secretary Mar Roxas at Acting PNP chief Leonardo Espina ang Operation Exodus. Kaya tuloy ang hinala ng mga taga MPD, mababaon na ito sa limot at maaapektuhan ang mga kandidato ni P-Noy sa darating na 2016 Election. Di ba mga suki! Hayaan na natin muna na gumulong itong masalimuot na usapin sa Mamasapano Massacre dahil sa ngayon marami tayong napupuna na semplang na dapat na kaharapin ni C/Supt. Rolando Nana sa kanyang kaharian. Unahin natin itong namamahong MPD headquarters. Alam ba ninyo na nakakasulasok na ang amoy sa kapaligiran ng MPD matapos ang kakapusan sa supply ng tubig, ang masakit walang humpay naman ang bulwak ng tubig sa mga hose na ikinabit ng taga-Warrant Section. Sayang ang milyun-milyon gallon ng tubig ang natatapon sa kanal Sir! Naging usap-usapan din sa Homicide Division ang pakikialam ni Plaza Miranda Commander S/Insp. Rommel Anacite nang mabaril at mapatay  ng hindi kilalang gunman ang Cell phone technician na si Fritz Linjohn Chua sa ilalim ng Carriedo LRT Station noong Marso 16 ng gabi. Ayon report, dakong 7:13 ng gabi ng maganap ang pamamaril. Tumawag na ang imbestigador ng PS-11 sa Homicide dahil kumpirmado nang patay ang biktima ngunit nang dumating daw umano si Anacite ay agad na pinadala sa ospital kung kaya na kontaminado na ang crime scene at wala na silang ma-interview na tatayong witness. Okey naman sana itong pagmamagaling ni Anacite subalit nakasira sa imbestigasyon na matuloy ang mga salarin. ang masakit hindi pala ito nasasakupan ng Plaza Miranda PCP. Hehehe! Kayat ang kasabihan na “Huli Man Daw at Magaling,  Naiihahabol din” at “Daig ng Maagap ang Masipag” Palpak na rin, sumasalamin ito sa simplang na Mamasapano clash at kapalpakan ng MPD officials. Abangan!

ALAN PURISIMA

ANACITE

BOARD OF INQUIRY

FRITZ LINJOHN CHUA

GETULIO NAPE

OPERATION EXODUS

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with