^

PSN Opinyon

Pilosopo

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG PNP-BOI Report sa Mamasapano na tinukoy ang pananagutan ng Pangulo sa ilalim ng principle of Command Responsibility ay ang set up punch na nagpahilo kay P-Noy. Ang Senate Report naman na ibinintang sa kanya ang Ultimate responsibility ay ang Knock out punch.

Sa mata ng publiko, bagsak sa canvass ang pasaway na Pangulo. Ganito na rin ang pananaw nang marami bago pa man inilabas ng PNP-BOI ang kanilang report. Ang resulta ng BOI ay naging lalong katanggap-tanggap dahil ito’y bahagi ng PNP na kasama sa opisyal na pamilya ng Ehekutibo. Maski ang Senate Report ay na-ging kapani-paniwala dahil mayorya pa rin ng Mataas na Kapulungan ay kakampi ng Malacañang. Kung nabahala tayo sa kawalan ng independence ng mga investigating bodies, pinatunayan nilang kayang pangatawanan ang sinumpaang tungkulin na maging tapat sa katotohanan. Anumang atungal ang gawin pa ngayon ng Palasyo ay lalong hindi paniniwalaan dahil mismong tao nila ang nagsabing may pananagutan ang Pangulo.

Dito na dapat magtapos ang pagdadahilan ng Palasyo. Tanggapin na dapat ang pagkukulang. Maganda ang advice ni former President FVR – panahon na para tanggapin ng Pangulo na siya’y nagkamali. Kaya lang, hindi talaga kayang isuko ng pangkat Pilosopo ang kanilang paghahanap ng ibang taong masisisi. Sa mata nila, perfect pa rin ang Pangulo.

Ito ring paniwala na sila lang ang tama ang ugat ng gulo sa Makati City Hall mis-encounter. Nag-isyu ang Court of Appeals ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa suspension ni Mayor Junjun Binay. Sa kabila nito ay patuloy pa ring itinuring ng grupo ni Sec. Roxas na suspendido si Mayor dahil naisingit ng DILG ang pagbigay ng suspension order bago lumabas ang TRO. Imbes na maibalik ang kalagayan sa kung ano ang namayani bago hilingin ang  TRO, argumento nila ay walang nang i-rerestrain o pipigilan dahil nangyari na.

Pamimilosopo na naman ang pinaiiral. Hindi ang serbisyo ng suspension order ang pinipigilan ng Court of Appeals, ang mismong pagsuspinde kay Mayor ang inorderan na huwag ituloy. Kung kaya kahit naunahan na nilang isuspinde si Mayor bago ang paglabas ng TRO, hindi na maaring ipagpatuloy ang suspensyon oras na may TRO na. Dahil sa kawalan ng respeto sa sangay ng hudikatura at sa paniwala na sila lang ang tama, lalong lumiyab ang maapoy nang sitwasyon sa ating premier business district.

ANG SENATE REPORT

ANUMANG

COMMAND RESPONSIBILITY

COURT OF APPEALS

MAKATI CITY HALL

MAYOR JUNJUN BINAY

PALASYO

PANGULO

SENATE REPORT

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with