^

PSN Opinyon

Sikat na maritime school ipinasara ng CHEd

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang ipinasara ng Commission on Higher Education (CHEd) ang sikat na maritime school sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Ms. Patty Tolentino-Inocellas, Hermie Arzagon, Bro. Barney Hosana, Bro. Luisito de Veza, Peter Delizo, Joe Chua at PSupt. Rogelio Malilin.

Alam n’yo bang ipinasara na ng CHED ang isang maritime school subalit tumatanggap pa rin ng enrollees­? Ayon sa aking bubwit, nag-isyu ng closure order si CHED Chairperson Patricia Licuanan noong Hulyo 18, 2011 sa school dahil hindi nakasunod sa Maritime Quality Standard System. Natuklasan ito nang mag-inspection ang European Maritime Safety Agency (EMSA) sa maritime schools sa bansa. Dapat, pumapasa rin sa International Maritime Organization (IMO) ang standards ng mga eskuwelahan para ma-qualify na sumakay ng barko sa abroad.

Ayon sa aking bubwit, dahil sa non-compliance sa minimum standards ng CHED, nag-isyu ng closure order ang komisyon sa kanilang kursong B.S. Marine Transportation at B.S. Marine Engineering. Subalit sa kabila ng order ng CHED, tumatanggap pa rin sila ng mga estudyante.

Ang nasabing eskuwelahan ang pinaka-pioneer na maritime school sa bansa subalit ito ay na-mismanaged ng bagong officers nito. Dati ay anim ang kanilang barko para sa training ng mga estudyante subalit naging isa na lang. Yung nag-iisang barko na naka-dock sa Manila Bay ay hindi rin magamit ng mga estudyante dahil wala itong Kapitan.

Ayon sa aking bubwit, ang school na ipinasara ng CHED ay ang Philippine Maritime Institute Colleges sa Sta. Cruz, Manila at Roosevelt, Quezon City.

AYON

BARNEY HOSANA

CHAIRPERSON PATRICIA LICUANAN

EUROPEAN MARITIME SAFETY AGENCY

HERMIE ARZAGON

HIGHER EDUCATION

INTERNATIONAL MARITIME ORGANIZATION

JOE CHUA

MANILA BAY

MARITIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with